PROPAGANDA Sang-ayon kay Dr. Conrado P. Aquino, ang namayapang San Pableño na naging Pangulo ng University of the East na ang post graduate studies ay isinagawa sa isang kilalang pamantasang pinakikilos ng Jesuita sa Estados Unidos, ang propaganda ay isang pangangailangan para maging maunlad ang isang lipunan, sapagka’t ang propaganda ay diseminasyon o pagpapalaganap ng mga kaisipan at impormasyon sa layuning mahikayat o mapasigla ang pananaw at pagkilos ng naaayon sa ninanasa ng pinagmumulan ng propaganda. Ang mga kaisipang ikinikintal sa mga kabataang mag-aaral ay isang uri ng propaganda upang sila ay maihanda na maging mga mabubuting mamamayan; at maging ang mga paninindigang inihahanda ng mga abogado ay kinikilalang propaganda sa dahilang ito ang nakahihikayat sa mga hukom na pagtuunan ng pansin ang panig na kanyang kinakatawan sa pagnanasang ang magiging hatol ay siya makatutugon sa panawagang ipinararating ng kaniyang kliyente. Katunayan nito, maging ang mga sinulat ni Har...