Skip to main content

Posts

Showing posts from November 23, 2008

SSS-South Luzon, Maunlad na Sangay

Sa Kapihan sa SSS na ginanap noong Lunes ng hapon na nilahukan ng mga kinatawan ng medya na kumikilos sa Katimugang Tagalog, nabanggit ni President Romulo L. Neri na ang SSS-South Luzon Cluster na naka-base dito sa Lunsod ng San Pablo, nitong nakalipas na mga buwan ay nakapagtala ng malaking koleksyon. Maipagkakapuring ang mga kahillingan para mabayaran ang pensyon, ang tulong sa palibing, at iba pang biyayang dapat matamo ng mga kasapi, lalo na ng mga retirado, ay kaagad natutugunan. Nabanggit din ni Neri, na sa hurisdiksyon ng SSS-South Luzon ay masinop ang mga employer na inii-entrego o iniri-remit ang lahat ang bayaring ibinabawas mula sa kanilang mga kawani at manggagawa, at dahil sa pagkakaroon ng maayos na monitoring program, ay madalang ang employer na napapaulat na hindi ipinatatala ang kanilang mga empleyado, o kinokolektahan ang kanilang mga kawani/manggagawa na hindi naman inii-entrego ang kanilang binabawas. Tinugon ni Assistan...