Ang pamahalaang sibil ng mga Amerikano ay nagsimula ng taong 1903, na si Don Marcos Paulino ang unang presidente. Nanungkulan siya hanggang ika-31 ng Disyembre, 1905. Siya ay nahalal noong ika-8 ng Agosto, 1902. Ang bagong salapi o kuwarta—“conant” ay pinakalat noon. Ang unang senso o pagtatala ng mga tao at iba pang mga bagay ay naganap. Isang entabladong tugtugan a niyari sa gitna ng liwasang bayan. 1905-1907—Don Melecio Fule, Presidente Minicipal. Nagtayo ng gusaling pampamahalaan, nagbalangkas ng mga lansangan, at nagpatanim ng mga akasya sa liwasang bayan. 1908-1910—Don Cornelio Alcantara—nahalal noong 1907 at nanungkulan hanggang Abril 16,1910. Tinapos ang pagpapagawa ng gusali ng pamahalaan, pag-aayos ng mga daan at pagbubukas ng iba pang mga lansangan. Siya rin ang nag-utos ng pagpapagawa ng pamilihang bayan. Noong 1910, lumabas at nakita ang bu...