Skip to main content

Posts

Showing posts from January 25, 2009

Deiniel Kyle M. Taningco

Ang mga magulang ng limang (5) taong gulang na si Deiniel Kyle M. Taningco ng Barangay Mavenida sa Lunsod ng San Pablo, at nagsisimula ng mag-aral sa Zamora Learning Center, ay nakakadama ng kapanatagan ng kalooban, na sakali’t ang kanilang bunso ay dapuan ng karamdaman, ay may katiyakang makakapagtamo ng makabagong paraan ng pagpapagamot sa dahilang siya ay sakop ng palatuntunang ipinatutupad ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) na magdiriwang ng kanilang Ika-14 Anibersaryo ng Pagkakatatag sa darating na Pebrero 14, 2009 . Sa kanyang kabataan, si Kyle ay nangangarap na magiging isang pediatrician pagdating ng kanyang panahon, at magiging isang accredited physician ng PhilHealth. ( BENETA News )

MAY SENSU NG POPULASYON SA 2010

LIPA CITY - Pag-alinsunod sa iniaatas ng Batas Pambansa Bilang 72, na nagtatagubilin ng pagsasagawa ng sensu ng populasyon at ng pabahay o Census of Population and Housing (CPH) tuwing ika-10 taon, na nagsimula noong 1980, ang National Statistics Office (NS0) ay magsasagawa ng pagsi-sensu sa darating na Mayo ng Taong 2010 Bahagi ng masinop na paghahanda upang maging ganap at komprehensibo ang isasagawang 2010 Census of Population and Housing (CPH 2010), ang National Statistics Office ay patuloy na nakikipag-ugnayan sa mga gumagamit ng mga datus at impormasyon na natitipon sa pamamagitan ng mga sarbey na isinasagawa ng ahensay sa bawa’t rehiyon ng bansa upang mabatid pa ang mga karagdagang datus na dapat matamo mula sa ganitong sensu. Lubhang mahalaga na komprehensibo ang mga datus na natatamo sa isang sensu, dahil sa ang resulta nito ang siyang batayan ng mga bumabalangkas ng mga palatuntunang pangkaunlaran, pangkalusugan, at panglipunan, sa lahat ng ant...

MATAAS NA PAARALANG PANG-AGHAM NG LUNSOD, NAMAYANI SA KOMPETISYON SA MATEMATIKA

SAN PABLO CITY - Muling pinatunayan ng San Pablo City Science High School (SPCSHS) ang pagkakaroon ng mataas ng pamantayan ng pagtuturo sa disiplina ng siyensya at matematika, nang ang mga mag-aaral ditto ay namayani sa kompetisyon hanggang sa matamo ang Unang Karangalan sa Individual and Team Category ng 2009 MTAP-DEPED CHALLENGE (Written Elimination) na ginanap noong nakaraang Enero 9 sa kampus ng Col. Lauro D. Dizon Memorial National High School. Sina Edsel M. Bondad, first year student; Gio S. Marasigan, second year student; Christian Lloyd S. Tan, third year student; at Siena Catherine A. Maranan at Sherilyn M. Sanchez mga fourth year students, ay pawang naging first placer sa individual category samantalang sa team category na binubuo nina Edsel M. Bondad, Clarissa Cacao at Diana Jean Guinto, First Year Team; Gio S. Marasigan, Edlyn Gatchalian at Jessa Mae Banayo. Second Year Team; Christian Lloyd S. Tan, Bernadette Culaban at Aryan Guban, Third Y...

LAZARO LAUDS SEIZURE OF ILLEGAL COCO LUMBERS

Laguna Gov. Teresita “Ningning” S. Lazaro has lauded the efforts of the Laguna Provincial Police Office (LPPO) headed by Provincial Director (PD) PSSupt. Manolito C. Labador for confiscating around 2,500 board feet of coco lumbers without permit to transport. This transpired last January 20, 2009 at around 11:00 am when the elements of the 406 th PPMG led by SPO1 Artemio Novillos apprehended a vehicle containing the hot logs. The 406 th PPMG was currently conducting a mobile patrol, and an anti-illegal logging operation specifically at Maharlika Hi-way in Brgy. San Juan , Alaminos, Laguna that moment. In the report submitted by PSupt. Mariano H. Liwag, of the 406 th PPMG to PD Labador, the suspects were intercepted while transporting the coco lumbers which were owned by Fidel Evidente y Faller of Brgy. Burlongan, Magdalena , Laguna. The suspects were caught loading the logs to the Isuzu elf alum van with plate numbers WAF – 5-9 covered wi...

LIBRENG OPERASYON NG LAHAT NG BUKOL

SAN PABLO CITY – Sa pag-uugnayan nina Gobernadora Teresita S. Lazaro at Congresswwoman Ma. Evita R. Arago, ang mga taga 3 rd Congressional District ay may pagkakataong makapagpaopera ng ano mang uri ng tinataglay nilang bukol sa tulong ng mga siruhanong naka-base sa Estados Unidos at Canada na nagbabalik-bayan upang magkaloob ng tulong sa kanilang mga kababayan dito sa Lalawigan ng Laguna. Ang lahat ng mga may bukol na nagnanais na sumailalim ng operasyon ng walang bayad sa serbisyo ng mga manggagamot, samantala ang mga kakailanganin gamot at surgical supplies na gagamitin ay bibilihin sa pagtutulungan nina Gobernadora Ningning Lazaro at Congresswoman Ivy Arago. Para sa kinakailangang pagsusuri o screening ng pasyente, ang mga nabibilang sa mahihirap na sambahayan ay pinapayuhan magsadya sa Siesta Residencia de Arago sa Gree Valley Subdivision sa Barangay San Franscisco sa darating na Miyerkoles, Pebrero 4, simula sa ika-8;OO ng umaga hanggang ika-5:00 ng...