Skip to main content

Posts

Showing posts from August 16, 2009

IKA 11 KONPERENSYA NG NCAA South, GAGANAPIN SA SAN PABLO

SAN PABLO CITY - Bilang tagapangulo ng 11 th Season ng National Collegiate Athletic Association (NCAA) South, iniulat ni former PBA Commissioner Jose Emmanuel “Noli” M. Eala na ang mga opisyal na paglalaro ay gaganapin dito sa Lunsod ng San Pablo sa pagtangkilik ng San Pablo Colleges. Sa kasalukuyan, ang mga competition sports na itinatampok sa komperensya ng mga kolehiyong nakatatag dito sa Timog ng Maynila ay basketball, volleyball, football, swimming, chess, badminton, taekwando, at pingpong o table tennis. Ang demonstration sports ay boxing, at beach volleyball. Ang kahalok na mga institusyon ay ang Don Bosco Technical College sa Mandaluyong City, Lyceum of the Philippines University sa Batangas City, First Asia Institute of Technology and Humanities sa Tanauan City, University of Perpetual Help System sa Biñan, Laguna, Colegio de San Juan de Letran sa Calamba City, San Beda College sa Alabang, Muntinlupa City, De La Salle Lipa City, Philippine Christian University...

LANDBANK ANG BANGKONG NAGSUSULING NG PANGANGALAGA SA KAPALIGIRAN

Masayang binati at pinasalamatan ni Branch Manager Pablo Lao Garcia (inset) ang mga depositor ng LandBank-San Pablo City noong Biyernes ng umaga dahil sa kanilang patuloy na pagtitiwala sa bangko ng pamahalaan, tuloy inalok ng sorbetes bilang simbolikong pagdiriwang ng ika-46 Anibersaryo ng Pagkakatatag ng Land Bank of the Philippines (LBP) sa bisa ng Batas Republika Bilang 3844 na pinagtibay noong Agosto 3, 1963, sa pangunahing layuning maayos na maipatupad ang mga batas at alituntunin na may kaugnayan sa agrarian reform program ng bansa, at maging makatotohanan ang pagtulong upang maitaas ang antas ng pamumuhay sa mga kanayunan. ( Ruben E. Taningco )

Miss U. S. A. International 2009 is a Filipino-American

20-year old Filipino-American Aileen Jan Valdehuesa Yap is the new Miss U S A International who will represent the United States of America in the 49th Miss International pageant to be held at the Venetian Macao Resort in Macau , China on November 7, 2009 according to President Zaida Yte Yadao of the Filipino-Amercian Community in Houston , Texas . Earlier chosen as Miss Texas U S Interantional 2009, Aileen Jan represented the State of Texas in the pageant that was held from 7-10 July 2009 at the Stafford Conference Centre in Houston, Texas.and the other winners are: Ms. Wyoming Keri Shar, fourth runner up; ; Ms. California Kristy Davis, third runner up; Ms. Michigan Shawna Vale, second runner up and Ms. Florida Lees Darayanne Garcia, first runner up. AJ is the daughter of a Filipino immigrant, Dr. Boy Yap from Cebu, and her American mother, former Geget Valdehuesa, a nurse, of Houston . She graduated as the Most Outstanding Student at the Sacred Hear...

Turn over ceremony at PCAMRD

Dr. Rafael D. Guerrero III (left), who reached the age of 65 last August 7 th , formally turn-over his position as Executive Director of the DOST;s Philippine Council of Aquatic and Marine Research and Development (PCAMRD) to Deputy Executive Director Cesario R. Pagdilao during the testimonial luncheon tendered his honors held at the seminar/training hall at the PCAMRD Headquarters Building in Los Baños. Dr. Raf ael D. Guerrero skippered the research institution for more than 21 years, and now one of the world renowned scientists in the field of Tilapia Culture being the initiator of the now famous “sex reversal technology of Tilapia .“

ALEGASYON, MALI AT MAPANIRA - TAMORIA

Si PAMB Chairman Nilo B. Tamoria (inset) samantala nagpapaliwanag sa ginanap na press conference sa Sityo Baloc noong isang Linggo ng tanghali. Tiyakan at tuwirang pinabulaanan ni Regional Executive Director Nilo B. Tamoria ng Department of Environment and Natural Resources-Region IV-A, sa kanyang kapasidad bilang tagapangulo ng CALABARZON’s Protected Areas Management Board (PAMB) ang alegasyong ipinahayag sa isang nakaraang pulong ng Sangguniang Panglalawigan ng Laguna na pinahihintulutan ang pagtatayo ng isang golf course sa sakop ng Mounts San Cristobal and Banahaw Landascape. Ayon sa director, pinatutuhanan ng mga records sa Tanggapan ng Provincial Environment and Natural Resources Officer (PENRO) ng Laguna, na wala ng ganoong kahilingan. Sa ilalim ng mga umiiral na regulasyon at alituntunin, ang pagtatayo ng golf course ay kinakailangang ikuha ng environmental compliance certificate (ECC) mula sa DENR, at walang napapatalang kahilingan ukol rito. Una, ang topograpiy...

28TH President of Rotary South

President Kits delos Santos posed with District Governor Chit Lijauco after his formal public induction as the 28 th President of the Rotary Club of San Pablo City South As the 28 th President of the Rotary Club of San Pablo City South, Paquito “Kits” delos Santos said his administration will be “an era of responsibility.” And he is hopefull that his administration will succeed because of the membership of the club are all dedicated and proud that they belong to Rotary South, which will help achieve the object of this year theme of the Rotary International, ‘The Future Of Rotary Is In Your Hands.” President Kits said Rotary South is strong because paraphrasing President John F. Kennedy, its members before being actually inducted are being asked, “Ask not what your club can do for you – ask what you can do for your club.” Publicly inducted and installed into office by District Governor Consuelo “Chit” Lijauco last Wednesday everning, August 5, 2009, Presid...

MIAMI HEAT Head Coach, Honored By His Mother’s Homecity

Miami Heat Head Coach Erik Jon Celino Spoelstra expressed his appreciation for the Plaque of Recognition given by the City Government of San Pablo for being a model and an inspiration of the Filipino youth by extending handshake to City Administrator Loreto S. Amante that represented his father, Mayor Vicente B. Amante in presenting the plaque in a meeting held in Los Baños last Saturday noon. Erik is the son of Jon Spoelstra, an Irish-American, and former Elisa G. Celino of San Pablo City, and records of Professional Basketball in the United States indicates that he is the first Asian/Filipino-American head coach of any North American Professional Sports, and currently the youngest head coach in the National Basketball Association, a conference of 30 professional teams.His team, the Miami Heat based in Miami, Florida, is presently on fooswill tour in the Philippines under the sponsorship of the U. S.’s State Department. ( CIO Photo Release )

GUMAGAMIT NA NG BAYONG

Sa bisa isang ordinansang pinagtibay ng Sangguniang Bayan ng Los Baños na buong pagkakaisang sinang-ayunan ng Sangguniang Panglalawigan ng Laguna, ay ipinagbabawal na ang paggamit sa plastic bilang sisidlan ng pinamimili sa mga supermarket at palengke sa sakop ng munisipyo. Ang ipinahihintulot na pambalot ay dahon ng saging at papel, at ang ipinagagamit na grocery bag ay bayong na nang pinasimulan ang implementasyon ng kautusang bayan ni Mayor Caesar Pabalate Perez ay mismong ang pangasiwaang lokal ang bumili at namahagi ng mga bayong na inangkat sa mga Bayan ng Luisiana at Cavinti. ( Ruben E. Taningco )

MAHALAGA ANG ISPORTS SA KAUNLARAN NG KABATAAN

Sa pagbubukas ng Palarong Pampaaralan ng San Pablo Central School noong Sabado ng umaga, binigyang halaga ni Lakeside District Supervisor Marilyn B. Capuno makabuluhang epekto ng mga paglalaro at pagsasayaw sa kaunlaran ng isang batang mag-aaral, mula sa kapakinabangang pangkalusugan, tamang pag-uugali at maayos na paggalaw, at marapat na pakikihalobilo sa isang lipunan, na tuwirang nakatutulong upang maging masigla at matalino ang kaisipan. ( Ruben E. Taningco)

PROSESO NG PAGSASAAYOS

Sa mga nakapapansin sa mga hukay na isinasagawa ng San Pablo City Water District na di-umano ay natatagalan bago ito muling maayos na matabunan at masementuhan, ipinaaalaala ni General Manager Roger Borja na ito ay bahagi ng proseso sa pagsasaayos ng mga pumuputok na linya. Matapos na ang isang pumutok o tumutulong tubo ay maayos ay kinakailangang ito ay obserbahan sa loob ng isang tiyak na panahon o bilang ng araw upang matiyak na maayos ang pagkakaugnay ng mga tubo at may katiyakang mawawala na ang tulo, sapagka’t ang katatagan ng mga tubo ng tubig ay apektado ng bigat ng mga sasakyang nagdaraan sa lansangan, at maging ng mga hindi napapansing paggalaw ng lupa o geological vibration kaya ang pangasiwaan sa patubig ay may sinusunod na proseso ng pagsasaayos ng mga nasisirang linya nito. ( Ruben E. Taningco )

KASEGURUHANG PANGKALAUSUGAN

Noong Biyernes ng umaga ay kinapanayam nina Chief Eloisa Tagbo at Social Insurance Officer Luningning G. Lee ng PhilHealth San Pablo City Service Center sina Mayor Eladio M. Magampon at ABC President Oscar M. Masa upang maisapalatuntunan ang pagdaragdag sa bilang ng mahihirap na pamilya sa Bayan ng Alaminos na dapat masakop ng palatuntunan sa kaseguruhang pangkalusugan sa ilalim ng sponsored program na ang pondo ay ilalaan ng pangasiwaang lokal. Dito ay marami ng ama ng sambahayan ang naipatala sa tulong nina Gobernadora Teresita S. Lazaro, at Congresswoman Ivy Arago, at ng sangguniang bayan, gayon pa man, ninanasa ni Mayor Magampon na ang bilang ng mabibiyayaan sa ilalim ng palatuntunang panglipunang itinataguyod ni Pangulong Gloria Macapagal Arroyo sy maragdagan pa. ( Ruben E. Taningco )

PAGLILIPAT NG KAMALAYANG PANGHANAPBUHAY, PATULOY

Sa personal na pamamatnugot ni City Councilor Ellen T. Reyes bilang Executive Director, ang San Pablo City Women, Family and OFW Center sa Green Valley Subdivision sa Barangay San Francisco ay patuloy na nagkakaloob ng iba’t ibang kamalayan at kasanayang panghanapbuhay, na ang mga tagapagturo ay mga kilala sa larangan at disiplinang kanilang inililinang sa mga lumahok sa kanilang palatuntunan. Ang tagapangulo ng nabanggit na training center ay si Alkalde Vicente B. Amante. Ayon kay Concejala Ellen Reyes, sa pagpasok ng nakaraang Buwan ng Hulyo ay nakapagkaloob sila ng pagsasanay sa may 80 kalahok sa food processing o paghahanda ng iba’t ibang uri ng lutuin na maiuugnay sa preserbasyon ng mga hindi nakonsumong pagkain, at kasalukuyang ginaganap ang Training on Cosmetoloy and Hair Science, na ay 51 kalahok. Sa Agosto 17 – 20, 2009 ay housekeeping o pagsasanay sa mga gawain sa loob ng isang otel o hotel room management; at sa Agosto 24 – 27, 2009 ay baking o paghahanda n...

COLONEL BALADAD’S OWN BRIGADE

Colonel Aurelio B. Baladad, a member of PMA Class 1982, formally assumed the position of Commander of 202 nd Infantry (Unifier) Brigade based at Barangay Antipolo, Rizal Town in Laguna, last Wednesday, August 5, 2009 vice Colonel Bobby B. Calleja who was designated as officer-in-charge for two weeks, in a traditional military change of command ceremony presided by Brigadier General Jorge Valbuena Segovia, Commanding Officer of the 2 nd Infantry (Jungle Fighter) Division of the Philippine Army. The simple ceremony was attended by the representatives both from the military service, local police directorate, and members of the local press corps. ( Ruben E. Taningco )

PROYEKTONG LOTE PARA SA WALANG TIRIKAN NI REP. IVY ARAGO

Kuha ang larawan ng ilahad ng mga homeowners association sa Victoria ang kanilang kahilingan para sila ay mapagkaloooban ng tulong sa pabahay. VICTORIA, Laguna - Nakatakdang ipamahagi sa limampung (50) kwalipikadong pamilya ang mga lote sa Danbuville, Brgy. San Francisco bayang ito bilang bahagi ng programa ng pamahalaan para sa mga kapuspalad na mga mamamayan. Ang proyektong Danbuville ay naisakatuparan sa pamamagitan ni 3 rd District Congresswoman Maria Evita Arago at sa ginawa niyang pakikipag-ugnayan sa National Housing Authority (NHA). Magugunitang tinustusan ito ng naturang ahensya ng pabahay ng P997,500.00 sa ilalim ng programang lupa para sa mga walang lupa ng gobyerno. Ayon kay Gemma Ignacio tagapangulo ng Danbuville Homeowner Association ay mas napadali ang pag-a-award sa kanila ng mga nasabing lote sapul nang si Rep. Arago ang nakipag-negosasyon sa NHA, at ngayon ay halos abot tanaw na nila ang matagal na nilang pinapangarap na lupang tir...