Magandang araw po sa inyo! May nagpaabot sa inyong lingkod tungkol sa nagaganap na solicitation ng nomination para sa mababakanteng sektor sa Board ng ating SPCWD. Bakit daw tila binabago ngayon ang mga requirements sa submission ng nomination. Kung dati daw ay simpleng letter of endorsement lamang mula sa mga grupong kinabibilangan ng sektor, ngayon ay kung anu-ano pa diumano ang hinihingi ng secretary ng Board ng ating SPCWD, tulad ng board resolution, bio-data, etc. Dapat lang sa tingin namin ay mapatunayan lang na kaanib ang nominado sa sektor na kinabibilangan at lehitimong taga-san pablo, hindi yung taga-ibang lugar o lalawigan. May karapatan ba ang sinuman sa loob ng Board ng ating SPCWD na sabihin na ang isang nominado ay hindi qualified? Hindi kaya may gusto lamang silang ilagay sa mababakanteng posisyon para lamang sa kanilang pansariling interest? Sa tingin po namin mga mamamayan ng San Pablo, na tayo talaga ang may-ari ng SPCWD ay kailangan na hilingin sa ating May...