Ipinabatid ni Congresswoman Ma. Evita R. Arago sa mga lider ng Indian Chamber of Commerce na taunang dumadalaw sa lunsod para makipagtulungan sa pagkakaloob ng walang bayad na salamin sa mata o eye glasses, na sa darating na Miyerkoles, Oktubre 13, 2010 ang kanyang tanggapan ay magtataguyod ng free cataract and glaucoma screening para sa mga senior citizen sa mga bayang bumubuo ng 3rd Congressional District, na gaganapin sa Siesta Residencia de Arago sa Green Valley Subdivision. Ang mga masusumpungang dapat sumailalim ng operasyon ay ooperahan sa Nagcarlan District Hospital sa mga susunod na araw ng Huwebes at Biyernes, Oktubre 14 at 15 sa pamamagitan ng mga ophthalmologist na kanya ring inanyayahan. Magugunitang noong nakaraang taon, ang paggamutan ay pinagkalooban ng pondo ng kanyang tanggapan upang mapaunlad ang operating room nito. (CIO-San Pablo City)
Si Abogado Felicisimo Tobias San Luis, na isinilang noong Hunyo 23, 1919, at lumaki sa Bayan ng Santa Cruz, ay nanungkulang Punonglalawigan ng Laguna simula noong Disyembre 30, 1955 hanggang sa siya ay papagpamahingahin noong Disyembre 18, 1992, o siya ay tuloy-tuloy na nanungkulan sa loob ng 36 taon, 11 buwan, at 18 araw, na kinikilala ng kasaysayan na siya ang natatanging lider na nanungkulan bilang punong tagapagpaganap ng isang lalawigan sa Pilipinas sa ganoong kahabang panahon. Isang mabuting mananalumpati, nang ibaba ni Pangulong Ferdinand E. Marcos ang Martial Law o ng ipatupad ang Presidential Proclamation No. 1081 noong 1972, sila ni Alkalde Cesar P. Dizon ng Lunsod ng San Pablo noon, ang inatasan ng Pangulo ng Bansa na maglibot sa mga lalawigan ng bansa upang ipaunawa sa mga pinunong lokal ang kahulugan ng Martial Law bilang isang proseso upang maitatag ang Bagong Lipunan na inaasahang magbibigay-daan upang makamit ang pambansang kaunlarang pa...
Comments
Post a Comment