P O P T A L K . . . . . Ni Ruben E. Taningco Sang-yon sa kasaysayan ng Bansang Tsina, sa Lalawigan ng Sichuan, naging maunlad ang kanilang industriya ng prutas o orchard industry dahil sa tulong ng laywan o honeybee, na kung panahon ng taglagas ay siyang aktwal na nagsasagawa ng pollination para ang mga halamang namumunga ay mapaunlad ang bulaklak hangang mabuo ang bunga. Kaya noon, sa nabanggit na lalawigan, ay pinangangalagaan ang mga kolonya ng iba’t ibang specie ng lawyan, sapagka’t ito ang sandigan ng kanilang kabuhayan. Subali’t ng marapatin ng Chinese Government na paunlarin ang peras o pear, sa dahilang ang lasa nito ay kinagigiliwan ng kanilang mga mamamayan, at napatunayan malaki ang potensyal bilang isang pangluwas na produktong bungang-kahoy, upang mapangalagaan at ganap na mapaunlad ang isang bagong industriya industriya, gaya sa Europa kung saan katutubo ang peras, ay gumamit ang mga magtatanim ng peras ng chemical fertilizer and insecticide...