Skip to main content

Posts

Showing posts from July 22, 2007

JOBS FAIR PARA SA LOCAL AND FOREIGN PLACEMENTS

SAN PABLO CITY - Sa pakikipag-ugnayan sa Department of Labor and Employment (DOLE)-Region IV-A, pag-alinsunod sa palatuntunang panglipunan ni Mayor Vicente B. Amante, ang Public Employment Services Office (PESO) sa lunsod na ito ay magtataguyod ng Jobs Fair for Local and Abroad sa darating na Biyernes, Agosto 24, 2007, simula sa ika-8:00 hanggang ika-4:00 ng hapon, sa Multi-Purpose Covered Court (PAMANA Hall) sa City Hall Complex. Sang-ayon kay City Administrator and concurrent PESO Manager Loreto S. Amante, ang katangian ng mga dapat lumahok sa jobs fair ay may gulang na mula sa 18 taon pataas, at nakapagtapos ng pag-aaral sa kolehiyo, subali’t ang mga nasa junior year na sa kolehiyo ay maaari na ring isaalang-alang. Makabubuti ring magdala sila ng mga sumusunod: bio-data o personal resume na may kalakip na larawang may sukat na 2” x 2”, birth certificate na kaloob ng Local Civil Registrar na pinatutunayan ng National Statistic Office’ at NBI Clearance na kinakailanagan sa loc...

PAGPAPATALA NG BUSINESS NAME, PUEDE SA SPCCCII

ALAMINOS, Laguna - Sa mga nagbabalak na magpatala ng business name, na kinakailangan para sa pagtubos ng business permit and license o lisensya sa pagbubukas ng negosyo, kung alanganing magsadya sa Department of Trade and Industry- Provincial Office na nasa kahabaan ng National Road sa Barangay Banca-banca sa Victoria, ay maaaring maglahad ng kanilang application form sa tanggapan ng San Pablo City Chamber of Commerce and Industry, Inc (SPCCCII). na nasa 2nd Floor ng Old City Hall Building sa San Pablo City, na may telepono bilang (049) 561-2880. Ang SPC Chamber of Commerce and Industry ay deputized ng DTI para tumanggap ng mga kahilingan para sa pagpapatala ng business name, at marami sa mga potential investor sa lalawigan ang dito nagsasadya para sa pagpaparehistro ng kanilang proposed business names. Ang dapat dalahin ay dalawang (2) kopya ng litratong may sukat na 2” x 2”, at maghanda na ng tatlong binabalak na maging katawagan sa itatayong negosyo o proposed busines...

ANG SSS AY 50 TAON NA

SAN PABLO CITY - Sa isang bansang katulad ng Pilipinas kung saan ang mga manggagawa ay kumikita ng halos ay hindi makasapat para sa kanilang mga pangunahing pangangailangan, ay may pangangailangan na sila ay mapagkalooban ng mapagtitiwalaang palatuntunang pangkapanatagang panglipunan, sapagka’t panangutan ng pamahalaan na magkaloob ng katarungang panglipunan sa mga mamamayan. Ang pagbibigay ng katiyakang maipagkakaloob ang makabuluhang tulong na pinansyal sa tamang panahon at pagkakataon sa nangangailangang manggagawa ang sandigan o batayan sa pagkapagtatag ng Social Security System (SSS) may limampong (50) taon na ang nakalilipas, sang-ayon kay Assistant Vice President Aida V. delos Santos ng South Luzon Cluster, na ang punong tanggapan ay nasa lunsod na ito. Ang Social Security System (SSS) ay natatag noong Setyembre 1, 1957, at maraming taga-Lunsod ng San Pablo ang nakagugunita na laging sinasabi sinabi ni Atty. Mauricio Rivera na dating hepe ng regional office ng SSS na na...