Skip to main content

Posts

Showing posts from March 25, 2012

Justice for Bambino Bañaga!!!

Sa lahat ng mahal kong kababayan nang San pablo city laguna! tulungan niyo po akong mag print magpakalat at mag kabit ng poster naito sa ating bayan hanggang mabigyan ng tamang hustisya ang aking kaibigan na si Bambino Banaga... sa lahat ng may malasakit at naging kaibigan ni bambi wag po tayong titigil hanggat walang umaaksyon! ipamuka natin sa ating bayan na nawalan tayo ng isang mabuting kaibigan at ipakita natin na may nagmamalasakit para kay bambi at hindi tamang mag tapos ang buhay niya sa isang malupit na pamamaraan! salahat nang tutulong Marami pong salamat!!!!!  sa mata nang karamihan isa siyang tindero ng DVD lang... sa mata namin isa siyang Alamat Isang Tunay na Hardcore Skatepunk! Isang Mabuting Anak Isang Mabuting kaibigan........ JUSTICE FOR BAMBI!!!!! plsss Print Share & Post!!! Source : https://www.facebook.com/profile.php?id=738883036

PREVENTION AND CONTROL OF SUMMER BORNE DISEASES CONDUCTED AMONG INMATES OF SPC DISTRICT JAIL

San Pablo City  - San Pablo City Medical Society led by Dra. Cynthia Sanchez and members of the Volunteers In Prison Service or VIPS led by its President, Mrs. Elsa Jarlego, conducted a Clean-Up Drive at the San Pablo City District Jail last March 11, 2012. The group leaders in cooperation with J/CInsp Arvin Abastillas, District Jail Warden, conducted several activities primarily to prevent and control some “Summer Borne Diseases” among inmates. Dra. Sanchez gave lectures and some helpful tips to prevent and control the occurrence of some summer borne diseases like “pigsa”, “bulutong” and other skin allergies.  Other activities conducted were sterilization of every cell by spraying multi-insecticide, pouring of boiling water to inmates’ clothing and beddings and distribution of Kwell and Lindell lotion to inmates. J/CInsp Abastillas added that the lotion and insecticide used in the clean-up drive were provided thru the joint efforts of San Pablo City Medical So...

DLSP NAG-UWI NG ILANG MEDALYA SA NAKARAANG ALCU GAMES 2012

San Pablo City - Nag-uwi ng ilang medalya at award ang mga mag-aaral ng Dalubhasaan ng Lunsod ng San Pablo mula sa katatapos lamang na ALCU (Association of Local Colleges & Universities) Athletic Association Games 2012 nuong Marso 4-9 na ginanap sa RECS Complex, Sta. Cruz, Laguna. May 22 colleges at universities sa buong bansa ang naglaban laban sa sports competition na ito kung saan naging host ang Laguna University. Champion si Lino Fulloso sa Badminton sa Single-Men at 4th place naman sina Jenny Medina at Rei Anne Aricheta sa Doubles-Women. Silver medal naman ang naiuwi ni Marlan Eduard Marasigan sa Taekwando-Fly Weight Div. at apat na Bronze Medal sina Jarine Rosales sa Feather Weight, Glen Naling sa Light Weight, Sharmaine Briones at Kevin Gajiran sa Bantam Weight Divisions. Bronze Medal naman sa Table Tennis-Doubles-Men sina John Maric Laco at Arjay Lacsamat fourth placers sa Sepak Takraw at Volleyball-Women. Sa Chess-Women ay 6th place at Chess-Men ay 12th place;...

CITY ADMIN. AMBEN AMANTE NANAWAGAN NG PAKIKIISA SA EARTH HOUR SA MARSO 31

San Pablo City - Nananawagan ng pakikiisa si City Admin. Amben Amante sa mga taga-lunsod sa paanyaya ng City Environment and Natural Resources Office sa pamumuno ni City Environment Officer Ramon de Roma na makilahok sa taunang pagdaraos ng Earth Hour sa bansa. Ito ay gaganapin sa Marso 31, 2012 ganap na 8:30 ng gabi kung saan ito ay ilang taon ng isinasagawa hindi lamang dito sa Pilipinas kundi maging sa iba’t-ibang panig ng mundo. Kaya nananawagan si City Admin. na lahat ng mamamayan ng lunsod ay mag “switch off” o magpatay ng ilaw sa kanilang mga tahanan at lahat ng establishment sa Marso 31, 8:30 ng gabi na tatagal ng 1 oras. Ang gawaing ito ay pagpapakita ng lunsod ng pakikiisa sa Global Community na layuning makatulong na maibsan at magbigay lunas sa masamang epekto ng Global Warming na nararanasan ng mundo ngayon. Ang World Wildlife Foundation for Nature ang siyang pangunahing organisasyon na nagsusulong ng nasabing adbokasiya kung saan ang huling Sabado ng Marso ang ...

NOMINATION FOR OUTSTANDING SAN PABLEÑOS ARE NOW OPEN

In line with the commemoration of the 72 nd Founding Anniversary of the City of San Pablo on May 7, 2012, the nomination form for the selection of “The Outstanding San Pableños 2012” are now available from the Search and Awards Committee headed by City Schools Superintendent Dr. Enric T. Sanchez,  at the Public Employment Services Office (PESO) at the 3 rd Floor of the 8-Storey Building. Deadline for submission is on 12:00 noon of April 13, 2012 according to City Mayor Vicente B. Amante last Monday morning.      Commonwealth Act No. 520 granting City Charter to then prosperous town of San Pablo was approved by President Manuel Luis Quezon on May 7, 1940, and formally inaugurated  its city government on January 2, 1941 with Interior Secretary Rafael Alunan inducting the first set of city officials led by former Laguna Governor Potenciano Malvar as appointed City Mayor.      Mayor Amante said the awards seek to give recognition...

TULONG PANGKAPANATAGAN

  Para sa kagalingan, at kapanatagan ng may 12 libong mag-aaral  at empleyado sa University of the Philippines at Los Baños (UPLB) ang Pangasiwaang Panglalawigan ng Laguna sa pamamagitan ni Gobernador Jeorge Ejercito Estregan ay nagkaloob ng 10 Units of Multicab   sa Los Baños Municipal Police Station upang gamitin sa pangangalaga at pangangasiwa sa kapanatagan sa sakop ng university town.  Ang mga bagong behikulo ay pormal na tinanggap ni UPLB Chancelor Rex Cruz ng ganapin ang simpleng turn-over ceremoniy sa harapan ng University Administration Building noong isang gabi na sinaksihan nina Laguna Police Provincial Director Gilbert Cruz (dulong kaliwa), Mayor Anthony “Ton” Genuino, at Police Regional Office No. 4 Chief of Staff Roland Santos.   ( Kevin Pamatmat ) 

BUWIS SA MEJORAS, BAYARAN BAGO MARSO 30

     SAN PABLO CITY - Nagpapaalaala si City Administrator Loreto S. Amante  sa lahat ng mga propetaryo at mga tagapangasiwa ng mga pag-aaring hindi natitinag o real estate property owners and administrators sa lunsod na ito na sikaping mabayaran ang dapat nilang bayarang buwis sa mejoras o real estate taxes sa o bago sumapit ang Marso 30, 2012 upang sila ay magtamo ng diskuwentong 10 porsyento.      Ang kaluwagang ito ay ipinahihintulot sa Section 251 ng Local Government Code of 1991 o Republic Act No. 7160.       Ayon kay Amben Amante,  kung ang isang lote ay may bayaring buwis na P2,000, na kasama na ang para sa Special Education Fund (SEF), ang babayaran lamang ay P1,800 o may diskwentong P200. Kung hindi naman mababayaran ang bayaring buwis na P2,000 hanggang sa Marso 30, 2012, ito ay lalapatan ng multang 2% kada lalakarang buwan, kaya kung magbabayad sa Abril 16, 2012, ito ay lalapatan na ng multang 8% n...

BAGONG PAMUNUAN NG MALINAW LODGE NO. 25

Sa panimulang pahayag ni Supreme Court Justice Arturo Dizon Brion bilang panauhing tagapagalita sa ginanap na Public Installation of Officers ng Malinaw Lodge No. 25 ng Kapatiran ng mga Mason sa Pilipinas noong nakaraang Sabado ng hapon, Marso 10, 2012, nabanggit niya ang kanyang mataas na pagpapahalaga kay Immediate Past Worshipful Master Virgilio “Benjie”  Fandiño  Monzones dahil sa pagkakaroon nito ng matatag na paninindigan na ang binalak niya noong siya ay siya pang Senior Warden ng kapatiran ay naipatupad niya sa nalolooban ng panahon ng kanyang panunungkulan,  ay maipatayo ang isang bagong lohiya, upang mapalitan ang lumang lohiya o kanlungan ng kapatiran sa panulukan ng T. Azucena at P. Zulueta Streets na patayo pa ng namayapang Brother  Werner Schetilig, ang tagapagtatag ng San Pablo Coconut Oil Manufacturing Company,  na ngayon ay San Pablo Manufacturing Corporation may 60 taon na ang nakalilipas.      Taglay umano ni Worshi...