Skip to main content

Posts

Showing posts from September 12, 2010

BAGONG SCHEDULE NG LIBRENG BUNOT NG CITY HEALTH OFFICE SIMULA SETYEMBRE 1

San Pablo City - Naglabas ng bagong schedule ng libreng bunot ang City Health Extension Office para sa kanilang siyam (9) na health centers sa iba’t-ibang barangay. Simula Sept. 1, 2010 ang libreng bunot sa Bagong Pook Main Health Center ay tuwing Monday   at Tuesday (maliban sa 4 th Tues. ) kung saan sina   Dra. Gilda Valena at Dra. Nemia Bundalian ang naka-assign na mga dentista.   Sa Concepcion MHC naman ay tuwing Tuesday at Thursday (maliban sa 3 rd Thurs.) at naka-assign na dentist ay si Dra. Blesilda Reyes. Sa 3 health centers naman kung saan naka-assign si Dra. Laureana Lacanilao ay Tuesday sa Del Remedio; Monday sa San Nicolas at 1 st /4 th Thursday sa San Roque. Libreng bunot rin tuwing Monday sa San Antonio I at Tuesday sa Sta. Maria Health Centers kung saan assign si Dra. Miriam Palomar. Tuwing Monday naman sa CHO Extension at Thursday   sa Sto. Cristo kung saan assign si Dr. Jhun Ian Vidal. Hindi lamang libreng dental services ang ibinibigay sa ...

150-180 PASYENTE ANG NABIBIGYAN NG FREE MEDICAL SERVICES ARAW-ARAW NG CITY HEALTH EXTENSION

San Pablo City- Humigit kumulang sa 150 hanggang 180 pasyente sa Lunsod ng San Pablo ang nabibigyan ng libreng medical services araw-araw mula sa bagong City Health Extension Office sa Brgy. San Jose. Mayroong 3 doktor, 2 nurse, 1 casual at mga registered nurse volunteers mula LC at SPC ang mga nangangasiwa sa araw-araw na serbisyong medikal kung saan hindi lamang libreng medical check-up ang ibinibigay kundi maging libreng gamot. Sina Dra. Nida Glorioso, Asst. City Health Officer, Dr. Eduardo Quiambao at Dra. Ruth Belulia ang mga naka-assign na doctor na tumitingin sa lahat ng pasyente mula 8:00 n.u. hanggang 5:00 n.h. Isinasaayos naman nina Nurse Coordinators Ofelia Tan at Amihan Bondad ang pila ng pasyente at upang maging maayos ang proseso ay nagbibigay sila ng card number sa lahat ng pasyente. Mayroon din silang “Fast Lane” kung saan inuuna muna ang lahat ng senior citizens, day old babies at mga critical cases tulad ng mga nahihirapang huminga at may mataas ...

San Pablo City Medicine Week

Malugod na nakikiisa ang Pamahalaang Lunsod ng San Pablo sa pangunguna ni City Administrator Loreto S. Amante (ika-3 mula sa kaliwa) sa pagdiriwang ng Medicine Week 2010 sa pagtataguyod ng San Pablo City Medical Society sa pamumuno ng kanilang Pangulo na si Dra. Marisonia S. Belen-Tan (ika-4 mula sa kaliwa). Nakiisa rin sa pagdiriwang sina Kon. Angelo L.   Adriano at Kon. Arnel C.Ticzon   at iba pang miyembro ng lipunan ng mga manggagamot sa lunsod ( CIO-SPC/Gem Ciolo )

J/SINSP ARVIN T. ABASTILLAS NANGUNA SA PAGLILINIS SA DISTRICT JAIL

SAN PABLO CITY - Pinangunahan ni Jail Senior Inspector Arvin T. Abastillas ang clean-up drive pinangangasiwaan niyang San Pablo City District Jail nuong nakaraang Setyembre 11, 2010. Katulong niya si Jail Senior Inspector Adelaida Taburada at iba pang jail officers sa isinagawang paglilinis at pagsasaaayos ng mga selda sa piitan.       Ayon kay District Jail Warden Arvin T.Abastilaas regular nilang isinasagawa ang ganitong general cleaning upang mapanatili ang “good hygiene” and “healthy living” ng lahat ng inmates samantalang sila ay nasa pangangalaga ng bilangguan.        Bilang bahagi ng palatuntunang pangkalusugan, ang mga inmates ay sumailalim ng pagsusuri at gamutan sa tulong ng mga miyembro ng San Pablo City Medical Society sa pangungulo ni Dra. Marisonia S. Belen-Tan, kasama sina Past President Dra. Cynthia Sanchez na isang espesyalista sa diabetes, at   Dra. Veney Manalo na isang kilalang manggagamot sa mga s...

MOBILE PASSPORTING SERVICE SA NOBYEMBRE 20

     Sa pakikipag-ugnayan sa Consular Office para sa Katimugang Tagalog ng Department of Foreign Affairs, ang Tanggapan ni Congresswoman Ma. Evita R. Arago ay magtataguyod ng mobile passporting   sa darating na Nobyembre 20, 2010, araw ng Sabado, na gaganapin sa Siesta Residencia de Arago sa Green Valley Subdivision sa Barangay San Francisco, simula sa ika-8:00 ng umaga hanggang ika-3:00 ng hapon.      Ang halaga ng passport na ito, na iyong may uring “Machine Readable” ay P1,200, at ang pangunahing pangangailangan ay ang mga sumusunod: birth certificate na authenticated ng National Statistics Office; 2 valid identification card; at kung babaeng may-asawa ay authenticated marriage certificate.      Dahil sa prosesong ipinaiiral ngayon, ang tatanggapin lamang ay ang unang 500 passport applications.      Para sa kaayusan, ang passport application ay dapat na ipagkatiwala sa passport coordinator...

SM Plaza to SM City and Vice Versa

The original   “SM”   San Pableño knew stands proudly at the center of the city, that for almost three decades serve as a landmark for rendezvous due its prime location, not to mention the refreshing mists it gives whenever you are accommodated to its limited space where seats provided by the Rotary Club of San Pablo City   are on first come, first serve basis.     Not necessarily from hallucinations but longings to having an SM mall that residents of the city created their world of make believe since the rise of SM North Edsa, San Pableños then fantasized to have their own.     World of mouth advertising proved effective as the whole populace submitted to the reality of having SM that never was. Even travelers subscribe to the idea of new found language that everybody from FX, tricycle, jeepney, or bus drivers, whenever they reach it. “Oh, sm na po!” (Referring to half a century old mango tree)      Yes, “sa mangga”...

LAGUNA-PPO EXCELLENT ANG RATING AYON KAY P/SUPT. ADRIATICO B. DEL CAMAT, JR.

San Pablo City – Excellent ang ibinigay na rating ni P/Supt. Adriatico B. del Camat, Jr., Representative mula Camp Crame ni Chief PNP Jesus Versoza, sa isinagawang inspection sa Lunsod ng San Pablo nuong Setyembre 8 sa PAMANA Hall. Dumalo sa nasabing inspection ang mga kapulisan mula San Pablo City, Rizal, Alaminos at Laguna Mobile Group.             Binigyang diin ni P/Supt. Del Camat, Jr. sa mga kasamahan sa pagseserbisyo na   ang pagiging Pulis ay isang karera na puno ng sorpresa, pagkabigo at tagumpay. Hindi rin   pinag-uusapan sa larangang kanilang kinaaaniban ang ranggo, dami ng karangalang natamo at maging tagal sa paglilingkuran, mas mahalaga diumano ang sinseridad sa pagtulong at paglilingkod. Hiniram pa nito ang mga salitang minsan ay sinabi ni Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino, Jr. na “ang taumbayan ang kanilang boss”.             Sa kabila ng...

FUTURE SOCCER PLAYERS

Ang mga batang lalaking sa Alaminos Central School sa ilalim ng pangangasiwa ng gurong si Lester Caraan ay sinisimulan ng kintalan ng mga pangunahing kamalayan sa paglalaro ng soccer, isang uri ng larong kabilang sa kategoriyang football na pinaniniwalaang isang uri ng larong sinimulang maging popular sa Matandang Gresya at Roma, na pinauunlad ang kaisipan ng mga kabataan upang maging magigilas sa pagkilos at tinataglay ang kaasalan ng mga maginoo sa pakikitungo sa kanilang kapuwa. Ang Alaminos Central School ay nasa ilalim ng pangangasiwa ni Punong Guro Teofila S. Monzones. ( Ruben E. Taningco )

NAMUMUKOD TANGING HIMPILAN

Sa isinagawang Annual General Inspection nina P/Supt. Adriatico B. Del Camat Jr. (ika-4 mula sa kaliwa sa unang hanay) sa San Pablo City Police Station sa pangangasiwa ni Chief of Police   Ferdinand DG de Castro ay kanyang pinahalagahan na napapanatili ng himpilan ang tamang kaayusan, hindi lamang sa mga aspetong pisikal, kundi maging ang magandang pakikitungo sa lipunang kanilang pinaglilingkuran, kaya kanyang pinayuhang huwag panghihinaan ng loob kung ano mang negatibong isyu laban sa organisasyon na nakakarating sa kanilang kaalaman, sapagka’t ang kapintasan at kahinaan ng ilan ay hindi naman makapapangibabaw sa kabutihan at kalakasan ng kabuuan. ( Ruben E. Taningco )

TANGGAPAN NG GOBERNADOR

Simula nang si Gobernador Jeorge “ER” Ejercito Estregan ay manungkulan, ang Tanggapan ng Punonglalawigan ay pansamantalang inilipat sa dating FAITH Building, samantalang ang orihinal ng tanggapan para sa pununglalawigan sa Matandang Gusaling Pampangasiwaan ng Lalawigan ng Laguna na natayo noon 1917 ay isinasaayos upang doon mabalik bilang pagsasaalang-alang sa kahalagahang pangkasaysayan at pangkultura ng nabanggit na edipisyo. Ang harapan ng pansamantalang tanggapan na ang kaayusan ay kinikilalang “visitor’s friendly,” ay pinagaganda sa pamamagitan ng paglalagay ng hardin na may fountain na magiging simbolo ng Bagong Laguna.” ( Ruben E. Taningco )

KONSTRUKSYON, DINADALAW NI GOB. ER

      SANTA CRUZ, Laguna -   Naniniwalang ang pagpapaunlad ng mga kagamitan ng mga paaralang publiko ay bahagi ng matatag na pundasyon ng tulay tungo sa kaunlaran ng lalawigan, at pagtataas sa antas ng pamumuhay ng mga mamamayan,   ang pagpapaunald ng mga gusaling pampaaralan ay bahagi ng “Agendang Kinse Kumpletos Serbisyo Kontra Kahirapan at Gutom” ni Gobernador Jeorge “ER” Ejercito Estregan.      Tulad noong mga panahong siya ay punumbayan ng Pagsanjan ay naging ugali na ni Gob. Estregan na dalawin ang mga pagawain, na walang pagtatangi kung ito ay pinapunduhan ng pangasiwaang panglalawigan o nasyonal, sapagkat nais niyang matiyak na   nasusunod ang mga napagtibay na “design and specifications”   hindi lamang para mapangalagaan ang pondo ng bayan, kundi para matiyak ang kapanatagan at kaligtasan ng mga gagamit ng gusali.      Sa kasalukuyan, ang pangasiwaang panglalawigan ay nagpapatayo ng isang mu...

18,000 BD. FT. NA COCO LUMBER, KUMPISKADO

SANTA   CRUZ, Laguna -   Umabot sa   kabuuang 18,000 board feet ng coco lumber na nakalulan sa tatlong sasakyan, na tinatayang nagkakahalaga ng P0.5-milyon na ibinibiyahe ng walang sapat na kapahintulutan mula sa Philippine Coconut Authority (PCA) ang nasabat ng Philippine National Police sa Biñan at San Pablo City kamakailan, at ang nabanggit na kconstruction materials na nakakarga sa isang   Isuzu Truck at dalawang van ay naka-impound sa kampo o headquarters ng Laguna Provincial Police Office dito.      Iniulat ni Provincial Police Director   Sr. Supt. Gilberto DC Cruz na ang pagkasabaqt sa mga kahoy ay bunga ng pagmamanman ng   Intelligence Unit na pinangangasiwaan ni P/Supt. Florendo Saligao, at bahagi ng malawakang kampanya ni Gob. Jeorge “ER” Ejercito Estregan na mapangalagaan ang industriya ng niyog sa lalawigan, na maiuugnay din sa mga isinasagawang pangangalaga upang huwag makalbo ang kapaligiran, na itinataguyod rin ng pan...