SAN PABLO CITY – Tuwirang binanggit ni Director Emilio P. Salumbides ng National Police Commission-Region IV-A na ang krimen ay hindi masusugpo sa pamamagitan lamang ng pagtutulungan ng pulisya, ng tagausig, at ng hukuman, kundi ito ay pananagutan ng lahat, lalo na ng mga karaniwang mamamayan, na siyang tuwirang apektado ng mga nagaganap na krimen, at maging ang napapaulat na pag-abuso ng ilang kagawad ng pulisya ay hindi rin maihahanap ng katarungan kung walang tulong ng mga mamamayan. Si Atty. Salumbides ang naging pangunahing tagapagsalita sa palatuntunan ng paglulunsad ng ng 13 th National Crime Prevention Week na itinaguyod ni Alkalde Vicente B. Amante at ng Sangguniang Panglunsod noong Sabado ng umaga Setyembre 1, 2007 sa San Pablo Central School Stadium. Ang National Police Commission o NAPOLCOM ay isang ahensyang iniaatas ng 1987 Constitution, na ipinatutupad sa bias ng mga Batas Republika Bilang 6975 at 8551 na lalong kilala bilang “PNP Reform an...