Skip to main content

Posts

Showing posts from March 29, 2009

WALANG PEOPLE’S DAY SA ABRIL 5 AT 12

Sa dahilang si Congresswoman Ma. Evita R. Arago ay gagawa ng paglalakbay sa labas ng bansa, ipinahayag noong Linggo ng tanghali na walang isasagawang People’s Day ang kanyang tanggapan sa darating na dalawang araw ng Linggo sa Abril 5 at 12 sa Villa Evanzueda. Gayon pa man, ipinaaalaala ni Congresswoman Ivy Arago na kung wala man siya sa bansa, ang lahat ng kahilingan, mungkahi, at pagtatanong na nais iparating ng mga mamamayan, lalo na ng mga pinunong barangay, ito ay tatanggapin at sisinupin sa kanyang tanggapan sa Siesta Residencia de Arago sa Green Valley Subdivision sa Barangay San Francisco, San Pablo City, sapagka’t kung siya man ay nasa malalayong lunsod, ay regular naman ang kanyang pakikipag-ugnayan sa kanyang tanggapan sa pamamagitan ng email o sa tulong ng information technology. ( Ruben E. Taningco)

IVY’S MEGA JOBS FAIR SA MAYO 22

Pamuling nagpapaalaala si Congresswoman Ma. Evita R. Arago noon nakaraang Linggo nang ganapin ang kanyang People’s Day sa Villa Evanzueda sa Sityo Baloc na sa pakikipag-ugnayan kay Director Ricardo S. Martinez Sr. ng Department of Labor and Employment (DOLE)-Region IV-A at City Administrator Loreto S. Amante, ang concurrent San Pablo City PESO Manager, ang kanyang tanggapan ay magtataguyod ng isang Mega Jobs Fair sa darating na Mayo 22, 2009, araw ng Biyernes, na ang venue ay ang Siesta Residencia de Arago sa Green Valley Subdivision sa Barangay San Francisco kung saan maraming recruitment agencies na kumakatawan sa iba’t ibang industriya sa loob at labas ng bansa ang lalahok. Ito ay upang mabigyan ng pagkakataon sa maayos na hanapbuhay ang mga maaari ay nawalan ng trabaho bunga ng epekto ng global financial crisis, at ang mga bagong graduate ng mga professional courses sa katatapos lamang na school year. Gaya ng dati, pinapayuhan ni Congresswoman Ivy Arago ang mga pros...

Group Study Exchange From England

Accompanied by Rotarian John Gosnold, a medical practitioner, of Rotary International District 1270, four young professionals composing a Group Study Exchange (GSE) from the United Kingdom visited San Pablo City and Nagcarlan last Monday and interviewed some local officials whose duties and functions are related to their daily activities in England . Picture was taken when they paid a visit to City Mayor Vicente B. Amante at the City Hall and they are (from left) RCSSP President Rosauro H. Suarez, Dr. John K. Gosnold, Mayor Vic Amante, Press Officer Rachel Shaw, Correction Officer T Ammy Goddard, Jail Administrator Joanna Spink, and Editor Jason M. Hippisley. ( Ruben E. Taningco )