San Pablo City - Sa may 125 job applicants sa nakaraang Vice-Mayor Angie Yang’s Job’s Fair nuong Enero 18, 2012 na ginanap sa Pamana Hall, 65 aplikante ang nabigyan ng trabaho bilang production operator sa Testech Inc., Calamba Premier Industrial Park, Brgy. Batino, Calamba City. Kaya lubos ang pasasalam at kay Vice-Mayor Yang ng mga taong natulungan at agarang nabigyan ng hanapbuhay. Ang iba namang hindi pinalad na matanggap ay patuloy na bibigyan pa rin ng job employment assistance ng tanggapan ng vice-mayor. Ayon sa Vice-Mayor marami pa silang susunod na iba’t-ibang job’s fair at livelihood assistance upang maiangat ang buhay ng kanyang mga kababayan sa Lunsod ng San Pablo. Nagpapasalamat naman siya kina Mayor Vicente Amante at City Admin. Loreto Amante sa tulong na kanilang ibinibigay para sa kanyang mga programa na “Pantay na Paglingap sa mga Mahihirap”. (CIO-SPC)