Skip to main content

Posts

Showing posts with the label GAMOT SA HAYOP

GAMOT SA HAYOP, NAIPABILI NA NI AMANTE

      Dahil sa pagsapit na panahon ng tag-ulan, kung kalian inaasahang maraming hayop ang naaapektuhan ng kalusugan bunga ng matagal na pagkababad sa tubig,  sa tagubilin ni Alkalde Vicente B. Amante, ang Office of the City Veterinarian ay bumili na ng sapat na gamot, kasama na ang mga pambakuna, para sa mga alagaing hayop, tulad ng kalabaw, baka, kabayo, at baboy, na kalakarang apektado ang kalusugan ng pabago.bagong kalalagayan ng panahon.      Sang-ayon kay City Veterinarian Fara Jayne C. Orsolino, sa lunsod na ito ay may 1,299 kalabaw, 2,736 baka, at 375 kabayo na pawang nakarehistro sa Tanggapan ng Ingat   Yaman.      Ang malalaking baboy ay tinatayang nasa 7,000 para sa bawa’t pagkakataon, at wala silang malinaw na maibibigay na bilang para sa manok dahil sa kalakarang ito ay inaani tuwing ika-45 hanggang ika-60 araw, at ang mga poultry houses ay sila na ang bumibili ng mga kinakilangan nilang gamot at bakuna. ...