SAN PABLO CITY - Ang mga nagsipagwagi para sa mga tungkuling panglokal dito ay pormal na ipinoroklama noong Martes ng gabi matapos na ang kopya ng mga certificate of canvass ay matamo ang indikasyon na ito ay “successfully transmitted” sa mga kaukulang tanggapan o ahensya ng Commission on Elections, gaya ng itinatagubilin sa Manual of Procedures na sinusunod sa pagsasagawa ng canvassing of votes. Bahagyang nabalam ang paghahanda ng mga certificate of canvass dahilan sa 29 na yunit ng Precinct Count Optical Scan (PCOS) Machine ay hindi kaagad mabuksan, na kinakailangan pang ihatid sa Session Hall ng Sangguniang Panglunsod na pinagdarausan ng canvassing. Ang City Board of Canvasser ay binubuo nina Atty. Leah Angeli B. Vasquez-Abad ng COMELEC Law Department na gumanap na Chairman, City Prosecutor Dominador A. Leyros na gumanap na co-chairman, and City Schools Division Superintendent Enric T. Sanchez na gumanap member-secretary. Mga official watchers sina Atty. Es...