Ang paulit-ulit na karaingan ng mga nagkakasakit na kagawad ng mga mahihirap na sambahayan sa lunsod, ay nagpatunay na makatarungan at kinakailangan ang papatapos ng ipinatatayo ng pangasiwaang lunsod na San Pablo City General Hospital sa Barangay San Jose, upang maging kabalikat ng mga umiiral ng mga pagamutan dito sa Lunsod ng San Pablo.
Katotohanang dapat tanggapin na ang dating San Pablo City District Hospital, na ngayon ay pinakikilos ng Pangasiwaang Panglalawigan ng Laguna, ay walang sapat na mga makabagong kagamitan sa pagsusuri o mga sophisticated diagnostic equipments gaya ng CT Scan, o Ultra-Sound, at maging X-Ray Machine, kaya ang mga pangunahing makabagong kagamitan ang kaagad ay pagsisikapang mabili at ma-acquire para sa sariling pagamutan ng pangasiwaang lunsod.
Pangkaraniwang idinaraing ng maraming may kapamilyang nagkakasakit na ang kanilang pasyente ay hindi matanggap sa San Pablo District Hospital dahil sa walang bakant...