Skip to main content

Posts

Showing posts from August 5, 2007

Operation Sagip Niyog

Pinagsisikapan ni Punong Barangay Ignacio B. Garcia (kanan) ng Barangay Sta. Catalina na maging pamilyar sa kaanyuan ng coconut leaf beetle (Brontispa Longissima) na kasalukuyang namiminsala sa mga punong niyog dito sa Katimugang Tagalog. Kasama niya sa larawan si dating Punong Barangay Roman Rivera ng Barangay Dolores na dumalo rin sa papulong na ipinatawag ng Philippine Coconut Authority sa Starlake Hotel and Resort sa Barangay San Buenaventura kamakailan. (RET)

2007 CREBA National Convention
on October 25 – 27 in Cebu City

Real estate industry players will converge at Cebu City on October 25-27 for the 2007 National Convention of the Chamber of Real Estate & Builders' Associations (CREBA), to be hosted by CREBA-Cebu, on the theme "The Land Sector's Quantum Leap to the Future". As the theme suggests, the event will highlight the latest technologies that could propel the land sector to unprecedented heights in the coming years. The 2007 Convention will tackle such topics as geographic information systems (GIS), land information databasing, optimizing internet use for global business networking, business process outsourcing, and a host of other relevant issues. The annual national convention traditionally offers CREBA members, as well as non-members, excellent opportunities for information-sharing and business and social networking, through the series of symposia, workshops, government-private sector dialogues, and social, athletic and fellowhsip activities. ...

MAGTANIM NG PUNONG NIYOG PARA SA UBOD

Bagama’t ang mga batang punong niyog o ang mga punong wala pang tatlong (3) taong naitatanim sa plantasyon ay hindi sakop ng pagbabawal putulin sa ilalim ng Coconut Preservation Act o Republic Act No. 8048, nagpapayo si Regional Coconut Development Manager Edilberto M. de Luna sa mga nagnanais na magtanim ng punong niyog para pagsapit na tamang laki ay putulin para kunin ang ubod, na ang binabalak na pagtatanim ay iulat sa pinakamalapit na tanggapan ng Philippine Coconut Authority (PCA) upang ang palatuntunan ay maayos na masubaybayan ng pangasiwaan para sa Kagawaran ng Pagsasaka. Nilinaw ni de Luna na “ang punong niyog na wala pang tatlong (3) taong naitatanim ay hindi kasama sa pagbabawal putulin, at ito ay maaaring anihin para kunin ang ubod na hindi nalalabag ang Batas Republika Bilang 8048 at ang Implementing Rules and Regulations nito.” Kaugnay ng produksyon ng ubod, na kinikilalang bahagi ng palatuntunan sa produksyon ng pagkain, iniulat ni de Luna na ang Research...

MAJOR ALICBUSAN, LIMOT NA BAYANI

Pag-alinsunod sa Batas Republika Bilang 9492, na sumusog sa Section 26, Chapter 7, Book I of Executive Order No. 292, o Administrative Code of 1987, ang huling Araw ng Lunes ng Buwan ng Agosto ay itinatakdang Pambansang Araw ng mga Bayani o National Heroes Day, Simula ng manungkulan si Alkalde Vicente B. Amante ay naging tradisyon na ang paggunita sa Pambansang Araw ng mga Bayani ay ganapin sa paanan ng bantayog ni Gat Andres Bonifacio sa dahilang ito ay nakatayo sa kapaligiran ng Doña Leonila (Mini-Forest) Park, at ang bantayog ay malapit lamang sa Bantayog Para Sa Alaala ng mga Martir ng Himagsikan na ipinatayo ng mga Diakonesa ng Iglesia Filipina Independiente noong ikalawang dekada ng pananakop ng mga Americano; at pananda para sa mga Defenders of Bataan and Corregidor at iba pang bayani ng Ikalawang Digmaan. Ang bantayog ay halos katapatan ng isang concrete obelisk o pananda para sa alaala ni Major Leopoldo Alicbusan ng 27th Company ng Philippine Constabulary (PC) n...