SANTA ROSA CITY - Sa bisa ng isang kasunduang pinagtibay nina yor Arlene Arcillas-Nazareno at Mayor Jejomar C. Binay noong nakaraang Martes, Oktubre 28, 2008 ay naging pormal ang pagiging magkapatid na lunsod ng lunsod na ito at ng Lunsod ng Makati. Ang Lunsod ng Makati ang kinikilalang “financial and commercial center” ng Pilipinas, samantala ang Lunsod ng Santa Rosa ang tinatagurian ngayong “the past rising investment center in South Luzon.” Sa pahayag ni Mayor Arlene Arcillas-Nazareno, kanyang nabanggit na malaki ang maitutulong ng pagiging magkapatid na lunsod ng Santa Rosa at ng Makati para maging tuwiran at masigla ang pagpapalitan ng kamalayan at kasanayan sa larangan ng siyensya at teknolohiya, pagpapaunlad ng pamayanan, pagpapataas ng antas ng edukasyon, pangangalaga sa kapaligiran, at mga paglilingkod na pangkalusugan at panglipunan. Hindi na malayong maging pormal ng tawagin ang lunsod na ito na “New Makati ” o “ Makati of the South,” na ayon kay Mayor Nazareno ay ...