Skip to main content

Posts

Showing posts from October 25, 2009

APAT NA KOLIHEYO SA LAGUNA NANGUNA SA PHILIPPINE STATISTICS QUIZ-PROVINCIAL ELIMINATION

Nais ipabatid ni Provincial Statistics Officer Magdalena T. Serqueña ng National Statistics Office (NSO)-Laguna na limang estudyante ng apat na kolehiyo ang nanguna sa tagisan ng talino sa estadistika sa Philippine Statistics Quiz- Provincial Elimination noong ika-23 ng Oktubre, 2009 sa Cultural Center, Provincial Capitol, Sta. Cruz, Laguna. Sila ay ipadadadala sa Lipa City sa ika-12 ng Nobyembre 2009 upang makipatunggali sa iba pang mga kalahok ng ibat-ibang lalawigan na nasasakop ng NSO-Region IV-A (CALABARZON). Ang unang mananalo sa Regional Elimination ay makakalahok naman sa national finals sa buwan ng Disyembre 2009. Buhat sa Laguna, mapalad na nagwagi ng unang karangalan si Driesch Lucien R. Cortel, estudyante ng University of the Philippines – Los Baños, Laguna na kumukuha ng kursong Bachelor of Science in Statistics. Ginabayan siya ng kanyang coach na si Ms. Nellwyn M. Levita. Dalawang estudyante naman buhat sa Laguna College ang magkasunod na umani ng ikalawa at...

DENR-REGION IV-A, NASA CALAMBA CITY NA

Iniulat ni Engr. Olive G. Bejo, hepe ng Land Management Sector sa DENR Provincial Environment and Natural Resources Officer sa Los Baños na pinasinayaan na ang bagong opisina ng Department of Environment and Natural Resources-Region IV-A sa ilalim ng pangangasiwa ni Regional Executive Director Nilo B. Tamoria sa Calamba City noong nakaraang Martes, Oktubre 27, 2009 sa may kahabaan ng National Highway sa Barangay Halang, kalapit lamang ng Sub-Regional Office ng PAGIBIG, at hindi rin kalayuan sa Calamba-PhilHealth Service Center. Ito ay bilang pagsang-ayon sa kapasiyahang ang Calamba City ang kinikilala ngayong regional center para sa CALABARZON Area. Magugunita na simula ng ang mga tanggapan at ahensya sa ilalim ng Department of Environment and Natural Resources ay magkaroon ng integrasyon o napag-isa bilang nagkakaisang ahensya rehiyon, ang DENR Regional Office para sa Katimugang Tagalog ay nalipat sa isang gusali sa kahabaan ng Roxas Boulevard sa Maynila, at ang pagkapag...

10th National Skin Disease Detection and Prevention Week (SKINWEEK)

Nabatid mula kay City Health Officer Job D. Brion na kaugnay ng pagdiriwang ngayong Nobyembre 8 – 14, 2009 ng 10 th National Skin Disease Detection and Prevention Week (SKINWEEK), ilang kagawad ng Philippine Dermatological Society (PDS) ang magkakaloob ng pagsusuri sa mga may karamdaman o maysakit sa batat sa darating na Linggo, Nobyembre 8, 2009, simula sa ika-8:00 ng umaga hanggang ika-12:00 ng tanghaling tapat sa Main Office ng City Health Office sa Groundfloor ng 8-Storey Building sa kahabaang ng Mabini Street. Sang-ayon kay PDS President Georgina C. Pastorfide MD, sa taong ito ay itutuon ang pansin sa pagdiriwang ng SKINWEEK sa pagpapaalaala sa mga mamamayang Pilipino sa kahalagahan ng pagkakaroon ng tamang kamalayan sa sakit sa balat, at tuloy maipaunawa ang halaga ng maagang pagkabatid na ang isang tao ay may karamdaman sa balat, at ang mga pamamaraan upang ito ay maiwasan. Kaya dapat asahang habang hinihintay ang pagkakataong personal na masuri ng manggagamot sa balat o dermat...

LIBRENG TUBOS TITULO

Nagpakuha ng pang-alaalang larawan sina Register of Deeds Antonieta C. Lamar ng Lunsod ng San Pablo at PENRO-Land Management Sector Head Engr. Olive G. Bejo, kasama sina Senior Board Member Atty. Karen C. Agapay, Concejala Ellen T. Reyes, at City Administrator Loreto S. Amante matapos na maipamahagi ang may 300 Original Certificates of Title (Free Patent) sa mga propetaryong taga-lunsod kaugnay ng Palatuntunang Libreng Tubos ng Titulo na magkatuwang na itinaguyod ng Land Registration Authority at ng DENR-Land Management Services, sa tulong ng mga pinunong lokal, noong Martes ng hapon sa One Stop Processing Center.

RC CENTRAL, MAY PA-JOBS FAIR

Ang Rotary Club of San Pablo City Central sa pamamatnubay ni Club President Adoracion “Doctora Doray” B. Alava ay nag-aanyaya sa lahat ng mga naghahangad na magkaroon ng maayos na hanapbuhay na lumahok sa Jobs Fair na itataguyod ng kanilang klab sa pakikipag-ugnayan sa Department of Labor and Employment-Region IV-A at City Public Employment Services Office (PESO) sa darating na Biyernes, Nobyembre 20, 2009, simula sa ika-8:00 ng umaga hanggang ika-3:00 ng hapon sa PAMANA Hall ng Federation of Senior Citiezens Association sa City Hall Complex. Nagpapayo si Doctora Doray sa mga nagsisipaghanap ng trabaho na magsadya sa jobs fair na may kahandaan, tulad ng pagsusulat na ng kanilang curriculum vitae o personal data sheet, pagdadala ng mga kasulatang karaniwang inilalahad ng isang namamasukan sa gawain tulad ng birth certificate, NBI/Police Clearance, diploma o certificate of training, cedula, at larawan. Kung mayroon ay makabubuti na ring dalahin ang kanilang passport. I...

DAKILANG INA 2009 NG LUNSOD NG SAN PABLO

Kaugnay ng Pagdiriwang ng Linggo ng Pamilya sa magkatuwang na pagtataguyod ng City Social Welfare and Development Office at ng Family Advocates na may paksang “Si Nanay Matatag Sa Lahat Ng Bagay,” si Gng. Erlinda C. Austria ng Barangay San Lucas I ay nahirang na Dakilang Ina 2009 ng Lunsod ng San Pablo, at tumanggap ng cash reward na P7,000 na kaloob nina dating City Mayor Palermo A. Bañagale at Senior Board Member Atty. Karen C. Agapay, at Katibayan ng Pagpapahalaga na may lagda nina Alkalde Vicente B. Amante, OSWD Chief Grace D. Adap, at Stake President Fernando Fabros. Kasama niya sa larawan ang kanyang asawang si Fisherfolk Leader Antonio Austria na ama ng kanyang walong (8) anak na pawang propesyonal na.

IVY ARAGO, WALA SA SEREMONYA, PERO NAGPAPAABOT NA NG TULONG

Kapansinpansing hindi lumahok si Congrewoman Ma. Evita “Ivy” R. Arago sa seremonya ng pagbabasbas sa pinasinayaang San Pablo City General Hospital noong Lunes ng umaga, at hindi rin napansin ng marami, liban sa mga pinuno ng City Health Office, at mga kasangguning pangkalusugan ng pangasiwaang lunsod, na pagkatapos ng nabanggit na pagdiriwang, sina Alkalde Vicente B. Amante at Kongresista Ivy Arago ay nagkaroon ng pag-uusap upang matalakay ang mga tulong na nasa kapangyarihan ng mambabatas na maipagkaloob sa ikapagtatagumpay ng operasyon ng bagong pagamutan para sa kagalingan ng mga mamamayan ng Lunsod ng San Pablo at mga kanugnog na munisipyo.

San Pablo City General Hospital

Rev. Fr. Melchor Barcenas, accompanied by City’s First Lady, Mrs. Nercy Sahagun Amante (inset), blessed the newly constructed building designed to house the San Pablo City General Hospital last Monday morning. The new edifice signifies Mayor Vicente Amante’s genuine concern for the welfare of his constituents. ( Ruben E. Taningco )