Magkakatuwang sina (L-R) City Administrator Loreto S. Amante, Konsehal Angelo “Gel” L. Adriano, City Mayor Vicente B. Amante Ph.D., at Gng Felicidad Sy sa pagputol ng laso bilang bahagi ng isinagawang pagbubukas at pagpapasinaya sa SM City San Pablo sa kahabaan ng Maharlika Highway sa Barangay San Rafael, noong Huwebes ng hapon, Setyembre 30,2010, bago ang kabuuan ng shopping mall ay basbasan ni Obispo Leo Drona ng Dioyosesis ng San Pablo. Ang SM City San Pablo ang ika-38 SM mall ng SM Prime Holdings Inc. sa buong bansa at ikalawa sa lalawigan ng Laguna. ( CIO-San Pablo City ) Naging mga tanging panauhin ang mga City Government Department Heads na sina (mula sa kaliwa) City Treasurer Fredalyn Rubio, Business Permit and License Office Chief Paz T. Dinglasan, City Accountant Lolita Cornista, City Budget Officer Dormelita Ignacio, Assistant City Treasurer Lilia Tolentino at CHMRO Elvira A. Celerio sa isinagawang pagpapasinaya at pagbabasbas ng SM City-Sa...