Ilang kabataan na mga Grade IV pupil sa isang paaralang elementarya sa Pila, na nagsadya sa Bulwagang Pulungan ng Sangguniang Panglalawigan sa bakuran ng pangasiwaang panglalawigan sa Santa Cruz, at sa pagpasok nila ng bakuran ng pangasiwaang panglalawigan, ay kaagad nilang napansin na ang bakuran ay “Bawal Compound.” Sa dahilang walang naganap na sesyon ang sangguniang panglalawigan noong nakaraang Miyerkoles ng hapon, na sana ay kanilang oobserbahan, ang napagtuunan nila ng pansin ay ang iba’t ibang babala na nagpapahayag ng mga kabawalan sa loob ng bakuran. Sa may monumento para sa alaala ni Gobernador Juan Pambuan ay napansin nila na bawal tumuntong at tumawid sa damuhan; sa maraming lugar ay bawal pumarada ang tricycle, naroroon din ang mga pagbabawal na manigarilyo, at ang lahat ng karatulang kanilang nakita ay pawang nagsisimula sa katagang “bawal.” Isang janitor ang nakarinig sa pag-uusap ng mga kabataang mag-aaral, at sinabing “Mga totoy...