Skip to main content

Posts

Showing posts from December 19, 2010

'Merry Christmas' In Different Languages

Christmas is celebrated the world over and people exchange gifts and wishes too. We present you a list of how to wish to your friends, neighbors, colleagues and loved ones, 'Merry Christmas' or 'Happy New Year' or both in more than 100 languages! Afrikaans Gesëende Kersfees Afrikander Een Plesierige Kerfees African/ Eritrean/ Tigrinja Rehus-Beal-Ledeats Albanian Gezur Krislinjden Arabic: Idah Saidan Wa Sanah Jadidah Argentine: Feliz Navidad Armenian: Shenoraavor Nor Dari yev Pari Gaghand Azeri: Tezze Iliniz Yahsi Olsun Bahasa Malaysia: Selamat Hari Natal Basque: Zorionak eta Urte Berri On! ...

Nice choice, Mayor? To see is to believe!

Congratulations to Mrs. Lerma Prudente (Womens' Sector) and to former city councilor Mr. Isagani Gutierrez (education Sector) for being appointed to the Board of Directors of our SPC Water District! Their term will commence on Jan. 01, 2011 to Dec. 31, 2016. Nice choice, Mayor? To see is to believe!    source : http://www.facebook.com/home.php?#!/profile.php?id=100000005951987

MASINOP NA PAGHAHANDA,
SUSI NG TAGUMPAY NG MGA GAWAIN – REP. IVY ARAGO

     Sa bawat pagkakataong ang Tanggapan ni Congw. Ma.   Evita R. Arago ay may ipatutupad na proyekto o palatuntunan, mahigpit ang tagubilin ng mambabatas sa kanyang mga kawaksing tauhan na ito ay dapat na maayos na inihahanda at pinagsisikapang masunod ang modelong Project Evaluation and Review Technic/Critical Path Method (PERT/CPM) upang ang implementasyon ng palatuntunan ay maayos na mamonitor at magtagumpay.         Naniniwala si Congw. Ivy Arago na   ang pulido at mahabang preparasyon ay mahusay na pamantayan upang makatiyak na ang mga nasabing programa ay makararating sa higit na nakararaming nangangailangan sa distrito, kaya ang pagsunod dito ay mahigpit niyang itinatagubilin.     Bunga nito ay ang laging pagiging mainit na pagtanggap at partisipasyon ng mga constituents upang maayos na masubaybayan at mapangalagaan ang proyekto..     Nabatid pang ang sistematikong mga pamamara...

UMIWAS SA PAPUTOK

Nananawagan si City Administrator Loreto S. Amante sa lahat na maging maingat sa gagawaing pagsalubong sa Bagong Taon, at iwasan ang pagpapaputok ng malalaki at malalakas na rebentador, at pagsisindi ng malalaking luses dahil sa panganib na naidudulot nito sa isang tahanan.      Ayon sa city administrator, dapat paniwalaan ang paalaala ng Department of Health sa kapinsalaan sa katawan ng mga nasasabugan ng malalakas na rebentador, at ang mga ulat ng Bureau of Fire Prevention sa bilang ng sunog na ang pinagmumulan ay sinindihang luses o firework.      Maging ang usok mula sa paputok at pailaw, dahil sa ito ay likha ng pagkasunog ng pulbura, ay mapanganib na masinghot at makarating sa baga, kahit na ng mga malulusog ang pangangatawan at walang hika, paalaala pa ni Amben Amante.      Ipinaaalaala rin ni City Administrator Amben Amante na may umiiral na ordinansa o kautusang lunsod na nagbabawal sa paggawa, pag-iingat, p...

114TH RIZAL DAY

     SAN PABLO CITY – Tulad ng alin mang lunsod at munisipyo sa bansa, ang lunsod na   ito ay may inihanda ng palatuntunan sa paggunita sa ika-114 taon ng Pagka-Martir ni Dr. Jose P. Rizal sa darating na Disyembre 30, 2010, isang Araw ng Huwebes. Ang pagdiriwang ay gaganapin sa harapan ng bantayog ng pambansang bayani sa liwasang lunsod simula sa ganap na ika-7:30 ng umaga.           Batay sa nakahandang palatuntunan, ang doksolohiya at ang pag-awit ng Bayang Magiliw ay pangungunahan ng San Pablo Central School Chorale, at si dating Bise Alkalde Palermo A. Bañagale bilang pangulo ng San Pablo City Cultural Society ang magkakaloob ng pambungad na pananalitam samantala bilang kinatawan ng Kagawaran ng Edukasyon, si City Schools Superintendent Dr. Enric T. Sanchez ang tatalakay sa kahalagahan ng paggunita sa kamatayan ni Dr. Jose P. Rizal na kinikilalang pinakadakilang bayani ng bansa.      I...

TWIST TO SCIENCE WRITING

During the commemoration of the 47 th Anniversary   of the opening of field service office of the Department of Science and Technology in the Southern Tagalog Region, Hometown Journalist Rosandro “Sandy” A. Belarmino was recognized by the Department of Science and Technology-Region IV-A (CALABARZON) for his writing in the field of science and technology. He personally received the token of recognition from Director Raymund E. Liboro of DOST-Science and Technology Informtation Institute since the award is sanction by Science Secretary   Mario G. Montejo, witnessed by Dr. Alexander R. Madrigal, DOST-IV-A Regional Director. Incidentally, Sandy is the incumbent executive vice president of the Seven Lakes Press Corps. ( Athan Aningalan )

CONGRESSWOMAN NIGHT SA ENERO 16, 2011

Napag-alaman na sa halip na sumama na lamang sa Palatuntunang gaganapin sa mismong araw ng Kapistahan ni San Pablo sa Enero 15, na isang araw ng Sabado, si Congresswoman Ma. Evita R. Arago ay magtataguyod ng Congresswoman’s Night sa susunod na araw ng Linggo, o Enero 16 sa main stage rin sa plasa, gaya ng nakagawian na niyang ihandog   simula pa noong Enero ng 2008. Ito ay upang mabigyan ng pagkakataong may mapanood ang mga taga-lunsod na dahil sa isinagawang mga paghahanda at pagtanggap ng panauhin ay nawalan ng pagkakataong makapanood ng mga palabas sa mga naunang gabi ng mga pagtatanghal na bahagi ng 16th Coconut Festival and Fair. Marami ring taga-lunsod na dahil sa gawain ay walang pagkakataong makauwi sa mismong araw ng kapistahan, kaya sila man ay dapat mabigyan ng pagkakataong makapanood ng mga “palabas” na bahagi na ng tradisyon at kultura sa lunsod na ito.        Ang Congresswoman’s Night ay tatampukan ng local talents, at na ang mga finale...

NSO-LAGUNA BINIGYAN NG PARANGAL

Ang National Statistics Office (NSO) ay nagdaos ng National Planning Workshop (NPW) sa Pryce Plaza Hotel, Cagayan de Oro City noong ika-30 ng Nobyembre hanggang ika-3 ng Disyembre 2010. Ito ay may temang: “Integrity, Accountability, Professionalism… Making a Big Difference”. Ang workshop na ito ay may layuning makapaglahad ang mga napiling lalawigan at rehiyon ng kani-kanilang husay sa pagsasagawa ng kanilang tungkulin para ibahagi sa iba bilang halimbawa tungo sa pagpapapunlad ng ahensyang ito.   Kabilang sa ipinamahagi ay ang pagsasagawa ng 2010 Census of Population and Housing (2010 CPH). Gayundin, nakapagpalago rin ito ng karunungan at kakayanan sa bawat pinuno ng NSO sa pakikipag-ugnayan nila sa bawat isa mula sa Administrator hanggang Provincial Statistics Officers upang mamuno nang buong husay sa kani-kanilang lugar na pinamumunuan.               Naging panauhing pandangal si Secretary Cayetano W. Paderanga,...

YOUNGEST MUNICIPAL COUNCILOR OF ALAMINOS

16-year old Diana Erika A. Montecillo of Barangay San Ildefonso was elected last Friday as president of the Federation of Sangguniang Kabataan of Alaminos (Laguna), making her the youngest member of the local Sangguniang Bayan. Youngest daughter of Provincial Social Welfare and Development Officer Ernesto Montecillo, and Almond Academy Foundation, Inc. elementary principal   Delia A. Montecillo,   Erika is a first year student at the College of Development Communication at the University of the Philippines at Los Baños. ( Ruben E. Taningco )

Pag-Ibig On Action

Si Alvi Comendador, isang marketing assistant sa PAGIBIG Fund Calamba Branch, ay regular na pinangangasiwaan ang PAGIBIG Service Desk sa One Stop Processing Center tuwing araw ng Lunes para tumanggap ng loan application, at tumugon sa mga katanungan,   mula sa miyembro ng PAGIBIG na nananahanan o may gawain sa kapaligiran ng Lunsod ng San Pablo at ng malaking bahagi ng 3 rd Congressional District of Laguna.( Ruben E. Taningco )