SAN PABLO CITY – Sa flag ceremony noong Lunes ng umaga, ay pinasalamatan ni Alkalde Vicente B. Amante ang Sangguniang Panglunsod dahil sa ginawa nitong pagpapatibay sa Proposed Annual Budget for Calendar Year 2009 noong nakaraang Biyernes ng umaga, Hulyo 3, 2009, na magbibigay-daan upang makapagtalaga na ng mga kinakailangang tauhan upang mabuksan ang San Pablo City General Hospital na ipinatayo ng pangasiwaang lokal sa Barangay San Jose (Malamig). Sang-ayon sa alituntuning ipinatutupad ng Department of Health, kinakailangang magtalaga ng sapat na bilang ng manggagamot, narses, at iba pang kinakailangang tauhan na magdo-duty ng three sifting o tuloy-tuloy sa loob ng 24 oras. Para mabuksan, kinakailangang magtatalaga ng hindi kukulangin sa 24 registered nurse, anim (6) na resident physician, tatlong medical technologist, at iba pang mga para medical professionals, na ang pagtatalaga nito ay nakatakda sa pinagtibay na proposed budget paliwanag ni Alkalde Amante....