Skip to main content

Posts

Showing posts from July 12, 2009

PAGLALAHAD NG KANDIDATURA
Para Sa May 10, 2010 National and Local Elections

Pag-alinsunod sa tadhana ng Resolution No. 8646 na pinagtibay ng Commission on Elections noong nakaraang Martes, Hulyo 14, 2009, na nagtatakda ng Calendar of Activities kaugnay ng nalalapit na May 10, 2010 National and Local Elections, ang panahon para sa paglalahad ng kandidatura o Filing of Certificate of Candidacy para sa lahat ng mga magsisipaghangad ng tungkulin ay sa Nobyembre 20 - 30, 2009 o sa loob lamang ng 11 araw. Ang campaign period para sa mga magsisipaghangad ng national positions, tulad ng pagka-Pangulo at pagka-Senador ay mula sa Pebrero 8 hanggang Mayo 8, 2010; samantala ang para sa local positions, tulad ng pagka-Gobernador, pagka-Kongresista, pagka-Bokal; pagka-Alkalde; at pagka-Konsehal, ay mula Marso 26 hanggang Mayo 8, 2010. Sinasabi sa Resolution No. 8646 na ang Election Period, o panahon ng mga kabawalan, tulad pagbabawal na magdala ng lisensyadong baril na walang kapahintulutan mula sa Komisyon sa Halalan, at paglilipat ng mga kawani n...

Kapanatagan Ng Mga Anak Ng Nasasawing Pulis

Kaugnay ng pagkasawi ni PO1 Recuerdo Molleda ng San Pablo City Police Station ng ang grupo ng inatasang mga pulis upang dakpin ang isang mag-aamang nahaharap sa ilang usapin sa mga hukuman sa Laguna na napaulat na nasa Barangay San Antonio I noong Sabado ng hapon ay pasalubungan ng putok, ipinahayag sa flag ceremony noong Lunes ng umaga na si Mayor Vicente B. Amante ay magmumungkahi sa Sangguniang Panglunsod para sa pagtatatag ng isang Trust Fund na magkakaloob ng tulong sa pagpapaaral ng mga naiiwanan mga anak ng mga pulis na masasawi samantalang tumutupad ng kanilang tungkulin,at kung ang kanilang balo ay may sapat na katangian ay matalagang palagiang kawani sa Pangasiwaang Lunsod. Naninindigan si Mayor Vic Amante na ang mga nauulila ng mga bayaning pulis ay dapat bigyan ng kapanatagan ang hinaharap ng kanilang mga naiiwanan.

BJMP-SAN PABLO, DISTRICT JAIL OF THE YEAR AWARDEE

Si Warden J/S Insp. Arvin T. Abastillas ng San Pablo District Jail matapos tanggapin ang District Jail of the Year Award mula kay Executive Secretary Eduardo Ermita. QUEZON CITY - Kinilala ng pamunuan ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) ang mga natatanging performance ng iba’t-ibang unit sa ilalim ng kawanihan kaugnay sa pagdaraos ng kanilang ika-18 anibersaryo ng pagkakatatag na sinaksihan ni Executive Secretary Eduardo Ermita kamakailan bilang panauhing pandangal at pangunahing tagapagsalita. Nakamit ng San Pablo District Jail sa ilalim ng pamumuno ni Jail/Senior Inspector Arvin T. Abastillas ang District Jail of the Year Award, at ng Dasmariñas Municipal Jail ang Municipal Jail of the Year Award, na kapwa nasa pangangasiwa ni Jail/Senior Superintendent Norvel Mingoa, BJMP Region 4A Director. Samantala ay nagwagi rin sa iba pang kategorya ang mga sumusunod: BJMP Region VII – Region of the Year; Bohol Provincial Office, Provinci...

BAGONG PALENGKE, ITATAYO NA SA ALAMINOS

Kuha ang larawan noong Biyernes ng hapon nang ipinaliliwanag Engr. Nielson B. Faylona at Gng. Juanita B. Rivera sa mga kasalukuyang stallholder kung papaano hahatiin sa iba’t ibang seksyon ang palengke. ALAMINOS, Laguna – Iniulat ni Mayor Eladio M. Magampon na ang pagtatayo ng Proposed Public Market Building ay sisimulan na sa darating na Agosto 15, 2009 sa pamamagitan ng isang kontratistang nagwagi sa pasubastang umaalinsunod sa alituntunin at tagubilin ng Market Code of the Philippines . Ang halaga ng kontrata ay P21-milyon at ang pagawain, na isang one-storey structure, ay inaasahang matatapos sa loob ng 150 araw, ay itatayo sa kinatatayuan ng kasalukuyang palengke, at sang-ayon kay Engr. Nielson B. Faylona, Municipal Planning and Development Coordinator, sng ptoposed public market ay may floor area na aabot sa 2,000 metro kuwadrado, na lalagyan ng sapat na two-meter pathway, at ang Carinderia Section ay ihihiwalay ng isang three-meter service road para sa kalu...