Skip to main content

Posts

Showing posts from January 4, 2009

San Pablo City Coconut Festival 2009

SCHEDULE OF ACTIVITIES January 3 Saturday 1:00pm - 10:00pm Pre-Pageant (Lakan at Mutya 09) Pamana Hall & One Stop January 8 Thursday 7:00pm - 10:00pm United Pastorals Council Night Main Stage January 9 Friday 8:00am - 7:00pm : Coco Trade Fair ( CITY PLAZA ) 7:00pm - 10:00pm : Opening Night/ DEP ED / SK night 10:00pm – up : SPONSOR’S NIGHT/SAN MIGUEL CORP-Main stage 7:00pm – up : SMC Side stage (Planters Dev’t. Bank) 7:00pm – up : SMC Side Stage (P. Zamora Street/UCPB) 7:00pm – 12:00mn : Food/Beer Plaza at Rizal Avenue January 10 Saturday 8:00am – 7:00pm : Coco Trade Fair ( City Plaza ) 7:00pm – 12:00mn : CORONATION NIGHT (LAKAN AT MUTYA ’09) ( CITY PLAZA MAIN STAGE) 7:00pm – up : MSC Night (side stage-Planters Dev’t. Bank) 7:00 pm- up : SMC Side Stage (P. Zamora St./UCPB) 7:00pm - 12:00mn : Food/Beer Plaza at Rizal Avenue January 11 Sunday ...

San Pablo City Coco Fest 2009

SPCSHS ANNOUNCEMENT

High School Science and Mathematics Supervisor Helen A. Ramos, in her capacity as officer-in-charge of the San Pablo City Science High School (SPCSHS), announces that they are now open for interested applicants for adminission as first year students this coming School Year 2009-2010 and be members of 5 th Batch of graduates of this institution. The requirements are: Fully accomplished application form (available at SPCSHS campus, tel no. 800-0904) with 1x1 picture. One (1) white self-stamp envelope Certification from the school principal that the applicant belongs to the upper 20% of the graduating class. Photocopy of the report card. Deadline of submission of requirements will be on January 28, 2009, and the date for the first screening examination will be on January 31, 2009. For further information, the Office of the Principal of the San Pablo City Science High School located at the DLSP Compound in Barangay San Jose, this city, can be contacted...

Pamahalaang Sibil Bayan Ng San Pablo. Laguna

Ang pamahalaang sibil ng mga Amerikano ay nagsimula ng taong 1903, na si Don Marcos Paulino ang unang presidente. Nanungkulan siya hanggang ika-31 ng Disyembre, 1905. Siya ay nahalal noong ika-8 ng Agosto, 1902. Ang bagong salapi o kuwarta—“conant” ay pinakalat noon. Ang unang senso o pagtatala ng mga tao at iba pang mga bagay ay naganap. Isang entabladong tugtugan a niyari sa gitna ng liwasang bayan.             1905-1907—Don Melecio Fule, Presidente Minicipal. Nagtayo ng gusaling pampamahalaan, nagbalangkas ng mga lansangan, at nagpatanim ng mga akasya sa liwasang bayan.             1908-1910—Don Cornelio Alcantara—nahalal noong 1907 at nanungkulan hanggang Abril 16,1910. Tinapos ang pagpapagawa ng gusali ng pamahalaan, pag-aayos ng mga daan at pagbubukas ng iba pang mga lansangan. Siya rin ang nag-utos ng pagpapagawa ng pamilihang bayan. Noong 1910, lumabas at nakita ang bu...

San Pablo City’s One Stop Processing Center An Innovation In Public Service

Thinking of what is good for the city he is mandated to administer, Mayor Vicente B. Amante observed the processing of the applications for the renewal of business permits and licenses in January of 1993, with an objective of devicing an investment-friendly local government transactions by eliminating the so-called red tape. To properly experiment his concept, the lobby of then still unfinished Hall of Justice was utilized in conveyor-type processing of the applications for business permits and license..             A keen observer, Mayor Amante conceived of an Atrium-Type of building, characterized by one big room that could serve as an open court, surrounded by small cubicles where records of transaction could be properly filed and compiled, so that services could be delivered under one roof. Construction was started on June of 1993.             Strategically located at the ...

ARTIFICIAL INSEMINATION, PINAUUNLAD ANG LAHI NG KALABAW

Ang aktwal na pagsusumpit ng semilya mula sa isang Bulgarian murrah buffalo sa obaryo ng isang dumalagang kalabaw na isinagawa kamakailan ni Laboratory Technician Narciso S. Toledo ng Philippine Carabao Center sa DACOTA Farm sa Barangay San Agustin sa Alaminos. Ang Artificial Insemination (AI) ay kinikilala sa kasalukuyang pinaka-praktikal na pamamaraan upang mapaunlad ang lahi ng kalabaw sa bansa, sa dahilang napipili ang lahi ng barakong kalabaw o bull na kukunan ng semilya upang makalikha ng lahing may kaayaayang katangian na makatutugon sa pangangailangan ng mga magsasakang nag-aalaga nito sang-ayon kay Laboratory Technician Narciso S. Toledo ng Philippine Carabao Center na naka-base sa UPLB Campus sa Los Baños. Ang Carabao Artifical Insemination Technology ayon kay Toledo ay kasama ang pagpili at pagtaya sa barako o ganador na kukunan ng semilya; pagtitipon ng semilya o semen collection; pagtaya sa natipong semilya; pagpoproseso at pag-iimbak nito; pagtaya ...

MAAGANG TUMUBOS NG MAYOR’S PERMIT

Nagpapaalaala si Gng. Paz T. Dinglasan, officer-in-charge ng Business Permit and License Division ng Tanggapan ng Punonglunsod, na ang muling pagtubos o renewal ng business permit and license, na lalong kilala sa katawagang Mayor’s Permit, ng lahat ng mga nangangalakal o nagninegosyo sa lunsod na ito, na sinimulan noong nakaraang Lunes, Enero 5, 2009, ay hanggang sa araw ng Martes, Enero 20, 2009, at pagkalipas nito, ang lahat ng mahuhuli ay lalapatan na ng rekargo o multang katumbas ng 25% ng dapat nilang bayaran. Napag-alamang ang mga aplikante bilang karagdagang pangangailangan simula sa taong ito ay dapat magharap ng Certificate of Registration mula sa Bureau of Intenral (BIR), income tax return, at Clearance mula sa Social Security System (SSS). Ito ay karagdagan sa dati ng pangangailangan, tulad ng barangay clearance, registration of business names, at special licenses batay sa uri ng negosyo na kanilang pinangangasiwaan o pinakikilos sa lunsod na ito.. D...

KAMPANYA LABAN SA DENGUE, PATULOY

Si Dra. Nida Glorioso samantalang kapanayam ang mga kinatawan ng mga pribadong pagmutan sa lunsod SAN PABLO CITY – Ang City Health Office ay patuloy ang isinasagawang kampanya upang manatiling sariwa sa alaala ng mga mamamayan ang mga pamamaraan upang maiwasan ang paglaganap ng sakit na dengue hemorrhagic fever, at ito ay isinasagawa sa pamamagitan ng pagkakaroon ng patuluyang pakikipag-ugnayan sa mga kinatawan ng local mass media, pakikipagtalakayan sa mga kinatawan ng iba’t ibang sektor ng lipunang lunsod. Maging ang City Disease Surveilance Unit ng tanggapan ay may tuwirang pakikipag-ugnayan sa mga pribadong pagamutan sa lunsod para matiyak na ang lahat ng tinatanggap nilang pasyente sa hinalang ito ay nagtataglay ng sintomas ng dengue fever ay ma-monitor nila kaagad. Bilang tagapaminuno ng Disease Surveilance Unit ng City Health Office, nagpapaalaala si Dra. Nida E. Glorioso na laging alalahanin ang Four S na binabanggit sa mga promotional material ng Department o...

PAMANTAYAN NG ORAS SA PILIPINAS

Para sa mga nagnanais na matanto o malaman ang tiyak na oras batay sa Pambansang Pamantayan sa Oras ng Pilipinas o Philippine Standard Time, ito ay madaling magagawa sa pamamagitan ng pagtawag sa Time Service Unit ng Philippine Atmospheric, Geophysical at Astronomical Services Administration ng Department of Science and Technology (DOST/PAGASA) sa telepono bilang (02) 929-1237 Ang oras na ipinagkakaloob ng PAGASA ay salig sa Greenwich Mean Time (GMT) na siyang pamantayan ng lahat ng orasan sa daigdig. Ito ay bunga ng obserbasyong patuluyang isinasagawa ng Royal Observatory sa Greenwich sa England simula pa noong 1884 na nasa Longitude 0 degree 0 minute 0 second at Latitude 51 degrees 28 minutes 38 seconds North of the Equator. Ang Greenwich Mean Time, na tinatawag ding Greenwich Meridian Time, ang siyang batayan ng lahat ng orasang ginagamit ng mga barkong nagsisipaglayag sa karagatan, at ng mga eroplanong lumilipad sa mga rutang internasyonal. Dito sa Pilipinas...

PHILHEALTH CARD, LAGING TINGNAN ANG PETSA

Nagpapaalaala si Provincial Administrator Dennis “DSL” S. Lazaro sa lahat ng pinagkalooban ni Gobernadora Teresita S. Lazaro ng PhilHealth Card, na dapat na laging inuusisa ang kanilang card upang kung ito ay malapit na ma-expire o matatapos na ang takdang panahon na ito ay makakapagkaloob ng tulong sa pagpapagamot, ay kaagad itong ipaalaala sa Tanggapan ng Punonglalawigan sa Santa Cruz sa pamamagitan ng Office of the City/Municipal Social Welfare and Development Officer, upang matiyak na ang premium ay mababayaran kaagad upang huwag maputol ang tinatamasang kaseguruhang pangkalusugan. Magugunitang maraming mamamayan sa iba’t ibang lunsod at munisipyo sa lalawigan na sa rekomendasyon ng kanilang punong barangay ay pinagkalooban ng PhilHealth Card ng Tanggapan ni Gobernadora Ningning Lazaro sa ilalim ng tinatawag na Sponsored Program ng Philippine Health Insurance Corporation, at sila ay pinapayuhan ni Provincial Administrator DSL Lazaro na dapat na sila ay may iniingatang ph...