Skip to main content

Pamahalaang Sibil Bayan Ng San Pablo. Laguna

Ang pamahalaang sibil ng mga Amerikano ay nagsimula ng taong 1903, na si Don Marcos Paulino ang unang presidente. Nanungkulan siya hanggang ika-31 ng Disyembre, 1905. Siya ay nahalal noong ika-8 ng Agosto, 1902. Ang bagong salapi o kuwarta—“conant” ay pinakalat noon. Ang unang senso o pagtatala ng mga tao at iba pang mga bagay ay naganap. Isang entabladong tugtugan a niyari sa gitna ng liwasang bayan.

            1905-1907—Don Melecio Fule, Presidente Minicipal. Nagtayo ng gusaling pampamahalaan, nagbalangkas ng mga lansangan, at nagpatanim ng mga akasya sa liwasang bayan.

            1908-1910—Don Cornelio Alcantara—nahalal noong 1907 at nanungkulan hanggang Abril 16,1910. Tinapos ang pagpapagawa ng gusali ng pamahalaan, pag-aayos ng mga daan at pagbubukas ng iba pang mga lansangan. Siya rin ang nag-utos ng pagpapagawa ng pamilihang bayan. Noong 1910, lumabas at nakita ang buntala (cometa) Halley. Ang huling bahagi ng kanyang panunungkulan ay ipinagpatuloy ni Potenciano Cabrera, dahil sa katiwalian sa halalan.

            1911-1913—Don Simeon Gesmundo—lubhang napakaraming pagbabago sa panahon nito at sa mga susunod na taon. Naging presidente si Don Simeon mula Oktubre 15,1910 hanggang Oktubre 26,1911; Don Meliton Brion—May 29,1911 hangang Marso 25,1912 at sa wakas Don Rufino Alcantara mula Marso 25,1912 hanggang Disyembre 15,1913. Si Potenciano Cabrera ay tinalo ni Marcial Alimario noong halalan ng 1912. Noong Enero 30,1911, ang bulking Taal ay pumutok at nayanig ang buong bayan.

            1914-1916—Don Marcial Alimario. Ipinalalagay na pinakamasipag na Presidente Municipal. Sa panahon ng maraming lansangan ang naipaigi; ang gusaling pamahalaan ay naipaayos’ ang bantayog ni Dr. Jose Rizal ay ipinagawa’ ang hagdanang bato sa Lawang Sampalok ay ipinayari; ang  padaluyang tubig ng bayan ay ipinagawa’ ang pamahalaang himpilanm,  ang puericulture center at marami pang iba lubhang mahahalaga ay ipanatayo.

            1916-1918—Don Feliciano Exconde—Pinakabata sa lahat ng naging Presidente Municipal. Naisagawa ang pagsasabayan ng San Pablo; Nagpagawa ng “fountain” sa liwasang bayan at pagpapaigi ng bahay-paaralan at iba pa. Ang  bayan ay nakadamana ng lubos na pananagana dahil sa mga halaga ng kalibkib o  kopra ay umabot sa 0.45 isang kilo o 45.00 isang daang kilo at ang niyog ay nagkahalaga ng 50.00 isang libo. Pati ang bigas ay umabot sa halagang 20.00 ang isang kaban. Walang mabiling bigas sa pamilihan. Ang Kapatiran ng mga Mason at si Gaudencio Aquino ang nagligtas sa bayan sa pagkagutom.

            1919-1921—Don Potenciano Cabrera. Sinunod ang “ pagkakanyahan sa pamahalaan” o “Spoils System”. Inilagay sa pamahalaan ang lahat ng kanyang lider at mga tumulong  sa kanyang panalo. Siya ang presidente munisipal na laging bukang-bibig na ang sanhi ng kanyang tagumpay ang paggugol ng malaking salapi.

            1922-1924—Don Isidro Avaran. Siya ang nagbukas ng maraming lansangan sa likod ng simbahang Romano na ngayon ay kilala sa taguring “Dapdapan”; nagpagawa ng bodega o pintungan sa likod ng bahay-pamahalaan’ bumili ng pandilig sa lansangan at pison.

            1925-1927—Don  Zacarias Sahagun. Nagtatag nag pagamutang-Bayan. Bumili ng lupang silaban ng basura at lupang pinagtayuan ng patayan ng hayop na itinitinda sa pamilihan. Noong Nobyembre, 1926, isang malakas  na bagyo ang dumaan at sumira sa maraming punong niyog.

            1928-1931—Don Crispin Calabia. Nagpaganda na Avenida Rizal. Nagpatayo ng mga haliging-ilawan katulad ng mga nasa Maynila sa gitna ng Avenida Rizal. Pinabakuran ng bakal ang paaralang bayan at ang libingan at tagatangkilik ng mga guro.

            1931-1938—Don  Gaudencio Aquino. Ang paghihirap ng bayan ang naging siyang balakid sa kanyang mga pambayang balak. Ang salaping nakatalaga sa mga pagpapagawa ng mga gusali para sa tanggapan ng Ingat-Yaman ay inilipat sa pagpapagawa ng sasunod na pamilihang bayan. Ang presidenteng ito ay kilala sa kanyang pagiging mapagbigay, maunawain at maluwag sa pakikisama sa kapuwa. Nangutang ng 60,000 upang gamitin sa pagpapatayo ng dalawang palapag na bahay paaralan. Ang kanyang sahod ay buong kaluwagang ipinamigay sa mahihirap.

            1935-1938—Inicencio Barleta. Sa panahong ito nabili ang lupang kinatatayuan ngayon ng “Kapitolyo” ng lunsod. Iniukol ang kanyang panunungkulan sa pagsasaayos ng mga lansangan. Sa panahon din niya napalawa ang kaputol na daang Flores na ngayon ay daang Barleta  pagsasaalaala sa kanyang ginagawang ito pagkatapos ng siya’y sumakabilang buhay. Sa kapanahunan ni Presidente Barleta nasunog ang kalahati ng bayan noong 1938.

            1939-1940—Cristeto Brion-Pinakamalkli ang panunungkulan ng presidenteng ito sa kadahilanang sa panahon ng kanyang panunungkulan, 1940, pinagtibay ng Batasang Bayan  (National Assembly) ang isang batas na ginawang lunsod ang San Pablo.

            Sa kapanahunan  ni Presidente Brion naging payapa at tahimik ang kabukiran. Nangawala ang mga magnanakaw ng hayop. Nagtiwala ang bayan sa kanyang pangasiwaan dahil sa mabuting pagpapasunod. Nguni’t tulad ng nabanggit, naging maikli ang panahon ng kanyang panunungkulan.

Comments

Popular posts from this blog

DOÑA LEONILA (MINI-FOREST) PARK

What is now known as Doña Leonila (Mini-Forest) Park overlooking the Sampaloc Lake is actually a portion of the site for the City Hall Complex purchased in 1937 by the Municipal Government of San Pablo headed by President Inocencio Barleta, which was partly developed after the termination of World War II under the administration of appointed City Mayor, Dr. Fernando A. Bautista. During the incumbency of elected Mayor Lauro D. Dizon Sr., with the help of the Rotary Club of San Pablo, and under the supervision of Dr. Juan B. Hernandez, then club secretary of the local Rotary Club and Chairman of the City Beautification Committee, constructed some park structures at the park, with the fountain featuring the country lass with agriculture harvest as centerpiece. Probably, Hernandez and then City Engineer Perfecto Reyes were inspired by the figures affixed on the façade of the City Hall Building which symbolizes progress. Sometimes on April of 1961 when then President Carlos Garcia made a...

FELICISIMO T. SAN LUIS, ANG ALAMAT NG LAGUNA

Si Abogado Felicisimo Tobias San Luis, na isinilang noong Hunyo 23, 1919, at lumaki sa Bayan ng Santa Cruz, ay nanungkulang Punonglalawigan ng Laguna simula noong Disyembre 30, 1955 hanggang sa siya ay papagpamahingahin noong Disyembre 18, 1992, o siya ay tuloy-tuloy na nanungkulan sa loob ng 36 taon, 11 buwan, at 18 araw, na kinikilala ng kasaysayan na siya ang natatanging lider na nanungkulan bilang punong tagapagpaganap ng isang lalawigan sa Pilipinas sa ganoong kahabang panahon.      Isang mabuting mananalumpati, nang ibaba ni Pangulong Ferdinand E. Marcos ang Martial Law o ng ipatupad ang Presidential Proclamation No. 1081 noong 1972, sila ni Alkalde Cesar P. Dizon ng Lunsod ng San Pablo noon, ang inatasan ng Pangulo ng Bansa na maglibot sa mga lalawigan ng bansa upang ipaunawa sa mga pinunong lokal   ang kahulugan ng Martial Law bilang isang proseso upang maitatag ang Bagong Lipunan na inaasahang magbibigay-daan upang makamit ang pambansang kaunlarang pa...

BARBARA JEAN APOSTOL A San Pableña
Passed the BAR Examination in the State of New York, U. S. A.

Miss Philippines-USA 2004-2005, Barbara Jean Chumacera Apostol, 27, passed the New York State’s examination for admission to the BAR given on July 24-25, 2007 . She attained her law degree at Hofstra University School of Law in the State of New York where she graduated with honors last May 20, 2007 . At Hofstra Law School , Barbara was the Vice President of the Asian Pacific American Law Students Association and was appointed to the position of Diversity Affairs Coordinator by the president of the Student Bar Association. Ms. Apostol was a 2002 cum luade graduate of Boston College, one of the oldest Jesuit University in the United States with campus in Chestbut Hill, Massachusetts, where she majored in pre-law and communication studies. Incidentally, she completed her elementary and secondary education at Sachem High School in Lake Ronkonkoma, NY. Barbara Jean is a daughter of Antonio Apostol and former Abecinia “Baisy” Chumacera of Barangay San Francisco, San Pablo Ci...