Nasunog ang lumang gusali ng San Pablo Colleges Medical Center noong Biyernes ng madaling araw, Mayo 28, at iniulat na wala namang nasaktan o nagtamo ng kapinsalaan sa mga pasyenteng naka-confine sa nabanggit na pagamutan nang maganap ang sunog. Ang mga pasyenteng ang akomodasyon ay naapektuhan ng sunog ay nailipat kaagad sa San Pablo City General Hospital. May mga ulat na tinanggihan di-umano ng mga malalapit na pribadong ospital ang sana ay ililipat ditong mga pasyente mula sa nasusunog na pagamutan, kaya ang 22 pasyente ay sa bagong tayong ospital ng lunsod itinuloy na inilipat at pinangangalagaan, na ang pagtigil ay tatangkilikin ng tanggapan nina Congresswoman Ivy Arago at Alkalde Vicente Amante. Sa ulat ng Bureau of Fire Protection, napag-alamang ang sunog umano ay nagsimula sa tinatayang ika-3:35 ng umaga sa isang bahagi ng matandang gusali na kasalukuyang isinasaayos, na kaagad ay kumalat sa Nursing Department Building, at nada...