Skip to main content

Posts

Showing posts from February 14, 2010

CENSUS COORDINATING BOARD BINUO PARA SA 2010 CENSUS OF POPULATION ANG HOUSING

SAN PABLO CITY - Sa Mayo 2010 ang National Statistics Office (NSO) ay magsasagawa ng 2010 Census of Population and Housing (2010 CPH)  na inaasahang makapagbibigay ng napapanahong estadistika ng sosyo-ekonomiyang katangian ng populasyon. Ang estadistikang ito ang magsisilbing basehan ng pamahalaan sa pagbalangkas ng mga palatuntunang pangkaunlaran, at sa paglalaan ng pondo para matugunan ang mga pangunahing pangangailangan ng mga mamamayan sang-ayon kay Provincial Statistics Officer Magdalena T. Serqueña..      Ang pagsasakatuparan ng 2010 CPH ay iniaatas ng Batas Pambansa Bilang 72 na nagpapahintulot sa NSO na mag-senso tuwing ika-sampung taon simula pa noong 1980, na hindi makakasagabal sa pagkuha ng iba pang datos tulad ng agrikultura, industriya, pangangalakal, pabahay at iba pang sektor na inaprubahan ng National Economic and Development Authority (NEDA).      Idinagdag ni Bb. Serqueñ na magiging matagumpay lamang ang ang pagsasagaw...

HEPE NG MODELONG PROVINCIAL MOBILE GROUP

Sa pagdiriwang ng ika-19 anibersaryo ng pagkakatatag ng Philippine National Police na ginanap sa Camp Vicente P. Lim sa Canlubang kamakailan, bilang commander ng Laguna Police Provincial Public Safety Management Company na naka-base sa Makban Geothermal Complex sa Barangay Bitin sa Bay ay tinanggap ni Police Superintendent Kirby John Brion Kraft mula kay Chief Superintendent Roland dela Cruz Añonuevo, regional director, ang gawad ng pagpapahalaga para sa pangkat na kanyang pinangangasiwaan na kinilalang   “ Model Provincial Maneuver Unit for 2009 ” sa CALABARZON. ( Ruben E. Taningco ) 

SAN PABLO PNP STATION, MODELONG HIMPILAN

Sa flag ceremonies sa City Hall noong Lunes ng umaga, masayang ipinaliliwanag kay City Mayor Vicente B. Amante ni SPO4 Edwin P. Goyena, Station Guidon Bearer, ang kahulugan ng PNP Unit Streamer na iginawad sa San Pablo City PNP Station ni Police Chief Superintendent Roland dela Cruz Añonuevo, Police Regional Director, sa pagdiriwang ng ika-19 anibersaryo ng pagkakatatag ng pambansang pulisiya na ginanap sa Camp Vicente P. Lim kamakailan bilang “Model City Transformation Program Awardee” sa CALABARZON para sa Taong 2009. ( Ruben E. Taningco ) 

Model Police Officers

Kinilala noong Lunes ng umaga sa flag ceremonies sa City Hall na itinaguyod ni City Mayor Vicente B. Amante, na sinaksihan ni Provincial Administrator Dennis S. Lazaro,  sina (mula sa kaliwa) Police Superintendent Kirby John  Brion Kraft, Police Superintendent Raul Loy Bargamento, at Police Inspector Rolando A. Libed na kamakailan ay ginawaran ni PNP-CALABARZON Regional Director Police Chief Superintendent  Roland dela Cruz Añonuevo ng ipagdiwang ng Philippine National Police ang kanilang ika-19 aniversaryo ng pagkakatatag sa Camp Vicente P. Lim sa Canlubang na salig sa kanilang mga nagawa sa nasasakupan ng Taong 2009. Si Supt. Kraft ay bilang commander ng Laguna Police Provincial Public Safety Management Company na tumanggap ng  “ Model Provincial Maneuver Unit Award ” , si Supt. Bargamento ay bilang Chief of Police ng San Pablo na ginawaran ng “ Model City Transformation Program Award ,” at si Insp. Libed bilang hepe ng Community Relations Desk ng San Pablo PNP Sta...

PONDO SA PAGPAPAUNLAD NG BARANGAY, IPINAMAHAGI NI DENNIS LAZARO

Sa pangalan ni Gob. Teresita S. Lazaro, si Provincial Administrator Dennis Santiago Lazaro   ay ipinamahagi ang tseke na tulong ng Pangasiwaang Panglalawigan ng Laguna sa iba’t ibang sangguniang barangay sa sakop ng ika-3 Distrito ng Laguna, kasama na ang para sa 14 na barangay dito sa Lunsod ng San Pablo, sa ginanap na flag ceremonies noong Lunes ng umaga sa City Hall sa pagtataguyod ni Alkalde Vicente B. Amante. Sinamahan ni Los Baños Mayor Caesar Pabalate Perez sa isinagawang pamamahagi, ang pondo ay para gugulin sa pagsasaayos ng mga lansangang nayon, pagpapatayo ng gusaling pampaaralan, pagsasaayos ng sistema ng patubig, at pagpapaunlad ng mga liwasang barangay na pawang naaayos sa ikasisigla ng eco-tourism industry ng lalawigan, kasama na ang Lunsod ng San Pablo. ( Ruben E. Taningco ) 

DPWH, HANDANG TUMULONG SA COMELEC

Si District Engineer Federico L. Concepcion samantalang kapanayam ang mga punong barangay mula sa mga Bayan ng Nagcarlan at Liliw, at Lunsod ng San Pablo.                           SAN PABLO CITY – Kaugnay ng nalalapit na May 10, 2010 National and Local Elections, nabatid mula kay District Engineer Federico L. Concepcion ng Laguna Sub-District Engineering Office na naka-base sa lunsod  na ito, na sila ay may kahandaang magkaloob ng ano mang tulong na hihilingin ng Commission on Elections (COMELEC) matapos na ang kanilang tanggapan ay ma-depuitized ng nabanggit na komisyon, halimbawa ay ang pagtatanggal ng mga billboards at mga katulad na propaganda materials na itinatayo ng mga kandidato sa labas ng mga designated na poster area.      Ipinaaalaala ni District Engineer Ike Concepcion na may eleksyon o wala, ang pagtatayo ng ano mang istraktura, kasama na ang mga advertising structures,  ...