Skip to main content

Posts

Showing posts from August 17, 2008

CARD MRI IN SAN PABLO CITY IS 2008 RAMON MAGSAYSAY AWARDEE

RMAF President Carmencita T. Abella announces the eight (8) 2008 Ramon Magsaysay Awardees which include the Center for Agriculture and Rural Development Mutually Reinforcing Institution (CARD MRI) from San Pablo City, Laguna for Public Service. CARD MRI, being represented by its founding chairman, Dr. Jaime Aristotle B. Alip , are being honored for their successful adaption of microfinance in the Philippines, providing self-sustaining and comprehensive services for half a million poor women and their families. Other awardees are Governor Grace Padaca of Isabela, Philippines, for Government Service; Therdchai Jivacate of Thailand for Public Service; Prakash Amte and Mandakini Amte from India for Community Leadership; Ananda Galappatti from Sri Lanka for Emergent Leadership; Akio Ishii from Japan for Journalism, Literature, and Creative Communication Arts; and Ahmad Syafii Maarif from Indonesia for Peace and International Understanding . As ...

DUMALAW UPANG MAG-OBSERBA ANG KANANGA OFFICIAL

Si Mayor Elmer C. Codilla ng Kananga, Leyte samantalang tinatanggap ang isang alaalang pagkakakilanlan sa Lunsod ng San Pablo mula kay City Administrator Loreto S. Amante. ( CIO Photo ) SAN PABLO CITY - Isang 20-katawong delegasyon na binubuo ng mga local government official ng Munisipyo ng Kananga na pinangungunahan nina Mayor Elmer C, Codilla at Vice Mayor Macario Lumangtad Jr. ang dumalaw dito noong nakaraang isang Huwebes upang magmasid sa pagpapatupad ng mga alituntunin at palatuntunan na may kaugnayan sa pangangalaga ng kalinisan ng kapaligiran, at operasyon ng pangasiwaang lokal. Ang delegasyon ay opisyal na tinanggap ni City Administrator Loreto S. Amante, na siya rin nanguna sa pagkakaloob ng kaukulang briefing at pagtugon sa mga pagtatanong upang ang mga panauhing lider ay ganap na maunawaan ang kabuuang larawan ng Pangasiwaang Lunsod ng San Pablo. Ang pinagtuunan ng pansin ng mga municipal official mula sa Kananga ay ang implementasyon ng indigency assi...

PAGLILINAW NG DOLE SA AGOSTO 18 AT 25

Nagpapaalaala ang Department of Labor and Employment na ang Agosto 18 ay isang tanging araw ng pangilin o special non-working day sa buong bansa upang maipagdiwang ang Ninoy Aquino Day, samantalang ang susunod na Lunes, Agosto 25 ay isang pambansang araw ng pangilin o regular holiday upang maipagdiwang ang Araw ng mga Bayani. Ito ang nilalaman ng Presidential Proclamation No. 1463 na pinagtibay ni Pangulong Gloria Macapagal Arroyo noong Pebrero 10, 2008 na nagtatadhana na ang Araw ni Ninoy Aquino ay ipagdiriwang sa Araw ng Lunes na malapit sa Agosto 21 ng bawa’t taon, sang-ayon sa pahayag ni Director Ricardo S. Martinez Sr. ng DOLE-Region IV-A. Sa ganoon ding kadahilanan na ang Araw ng mga Bayani ay gugunitain sa Agosto 25, ang pinakamalapit na araw ng Lunes sa Agosto 31 na sang-ayon sa umiiral na batas ay Araw ng mga Bayani, dagdag pa ni Martiez. Ginawa ni Director Martinez ang paglilinaw upang magabayan ang mga employer sa paghahanda ng pambayad sa mga ka...