ALAMINOS, Laguna – Sa flag ceremony noong Lunes ng umaga, nanawagan si Bise Alkalde Ruben D. Alvarez sa mga kawani ng pangasiwaang lokal na tularan lang mga pinunong barangay sa kanilang pagdalo sa palatuntunan. Aniya, ang tao ang dapat na naghihintay sa bandila, at hindi ang bandila ang naghihintay sa tao. Dapat din umanong saulado ng bawa;t isang pinuno, kawani, at manggagawa ng pamahalaan ang “panunumpa sa watawat.” Dapat ding makatotohanang isinasapuso ng mga kawani, lalo na ng mga nagsisipaglingkod sa tanggapan ng kalusugan at ng kagalingang panglipunan, ang Panunumpa ng mga Kawani ng Gobierno na itinatagubilin ng Civil Service Commission. na “papasok na maaga, at maglilingkod ng higit sa oras.” Napapansin ni Alvarez na sa bawa’t pagkakataon na ang Liga ng mga Barangay ang nagtataguyod ng palatuntunan sa pagtataas ng walawat sa “municipio,” ay maagang dumarating ang mga dadalong punong barangay at kagawad ng sangguniang barangay kaysa takdang ora...