Skip to main content

Posts

Showing posts from November 7, 2010

SM City San Pablo, Nag-aalok Ng Tulong

Ang kinatawan ng pangasiwaan ng SM City San Pablo ay nakipanayam kay City Information Officer Leonides A. Abril Jr. noong Miyerkoles ng hapon upang mag-alok ng tulong sa ikapagtatagumpay ng mga mga palatuntunang itataguyod ng Pangasiwaang Lunsod ng San Pablo, partikular ay sa promosyon ng mga gawaing may kaugnayan sa pagpapaunlad ng industriya ng turismo, at sa pagkakaloob ng mga kasanayan sa mga naging Overseas Filipino Workers (OFWs) at mga Senior Citizen upang ang mga nalalabi pang panahon sa kanilang buhay ay maging kapakipakinabang.. Ang nasa larawan (mula sa kaliwa) ay sina Public Relations Staff Keno Moreno, CIO Leo Abril, Global Pinoy Center Supervisor Willie Anne D. Lagaya, at Assistant Store Manager Rondon Porbiy. ( CIO/Gerry Flores )

DOST IV-A Metrology Laboratory Holds Caliberation Exercises

Los Banos, Laguna -- The Regional Metrology Laboratory (RML), a service unit of DOST IV-A   CALABARZON), recently held training courses on mass and volume calibration for some 50 municipal inspectors, treasurers and licensing officers of the Local Government Unit of Quezon Province at Bulwagang Kalilayan in Lucena City, Quezon.     Relative to this, Engr. Samuel L. Caperina, Provincial Science   &Technology Director of DOST in Lguna,   and Head   of the   Los Baños-based Regional Metrology Laboratory, together with his technical and training staff, Fjorda Kim R. Rubian and Antonio A. Estacio,   led the group in discussing legal metrology and verification, inspection and sealing of weighing scales and fuel dispensers following the Philippine National Standards 238 and Consumer Act and Department of Energy Circular No. 2003-11-010, respectively. ( PIA-Calabarzon )

Estudyante ng San Pablo Colleges, Provincial Champion sa 19th Philippine Statistics Quiz

Itininanghal na Provincial Champion si John Paul E. Balandan laban sa 30 katunggali      sa Philippine Statistics Quiz (PSQ)-Provincial Elimination. Siya ay nasa unang taon ng kursong Bachelor of Science in Accountancy ng San Pablo Colleges. Nanalo rin ang kasama niyang si Bernadine F. Culaban bilang pangatlo sa PSQ.   Ang timpalak na ito ay ginanap noong ika-28 ng Oktubre 2010 sa Training Center ng Pedro Guevarra Memorial National High School (PGMNHS), Sta. Cruz, Laguna sa pangunguna ng NSO-Laguna. Pumangalawa sa timpalak si Kurt Micheal F. Belen kumukuha ng Bachelor of Science in Electrical Engineering ng Laguna State Polytechnic University-San Pablo. Pang-apat si Ashley P. Brucal, Bachelor of Science in Computer Engineering ng STI College-San Pablo at si Richard D. Luangco, Bachelor in Secondary Education ng Laguna State Polytechnic University-Sta. Cruz.             Ang PSQ ay taunang patimpal...

STBF ensures good fruiting performance of lanzones

     Magsasaka Siyentista (MS) Regalado M. Manalo, Ka Gudoy to his community, has a reason to be happy.      Showing his guests the good fruiting performance of the lanzones trees in his farm in Barangay. San Roque, Alaminos, Laguna, he attributed his lanzones production to the interventions he used. His improved management practices consisted of using inorganic fertilizer and mycovam; scrapping of insect-infested barks; using the Trichogramma to control bark borer; pruning judiciously infested twigs, dead branches, and water sprouts; and watering during the emergence of flower buds, especially during the dry months.      At the recent Science and Technology based Farm (STBF) technology field day, Ka Gudoy also shared that based on his partial budget analysis, he obtained an average yield increase of 5-6 kg/tree with an added income of P68, 280 from 250 trees. In contrast, using his traditional practice, some of his trees...

5TH ESSAY WRITING CONTEST FOR HIGH SCHOOL SENIOR STUDENTS

Board Chairman Odilon I. Bautista announces that the Rural Bank of Seven Lakes (San Pablo), Inc.5TH On-The-Spot Essay Writing Contest for fourth year high school students will be held on November 15, 2010, a Monday, at their board room along M. Paulino Street, starting at 8:00 o’clock in the morning. All of the more 30 high school units in the city, private and public, has been invited to send one contestant or representative each. Cash prizes and Awards for Excellence are at stake. Announcement of winners and awarding of prizes will be on November 22, 2010 on time with the commemoration of the 36th Founding Anniversary of the Rural Bank of Seven Lakes (San Pablo City), Inc. RB Seven Lakes was actually founded on November 21, 1974 As in previous years, this program for the youth designed to enhance exemplary adherence towards English proficiency, to help achieve the dreams of many to be globally competitive as workers in communication industry, as well as in cultural inter-actions....

PULIS SA SAN PABLO, MAY FEEDING PROGRAM

     Iniulat ni Insp. Rolando A. Libed, hepe ng Community Relations Desk ng San Pablo City PNP Station, na ang kanilang himpilan ay may itinataguyod na feeding program, sa tulong ng Prime Movers (PRIMO) for Peace and Progress Association, Inc.-San Pablo City Chapter, para sa mga street children na karaniwang ginaganap sa harapan ng bantayog ni Dr. Jose P. Rizal sa Liwasang Lunsod.      Sa pakikipanayam kay Ten. Rolly Libed, na karaniwang tinatawag ng mga batang lansangan na “Kapitang Inggo,” napag-alaman na ang mga kagawad ng PRIMO ang naghahanda ng pagkain, at karaniwang ang kanilang napakakain ng hapunan ay umaabot sa 100 bata,   na pagkatapos ng kainan, ay nagkakaroon ng kantahan ang mga bata, at bago maghiwahiwalay ay may kumbidado silang relihiyoso para magkaloob ng mga pagpapayong pang-ispiritwal sa mga bata, na nilalakipan na rin ng tamang pangangalaga sa kalinisan ng kanilang katawan o personal hygiene.    ...

NFA-LAGUNA, NAMIMILI NA NG PALAY

     SAN PABLO CITY – Sa layuning mapatatag ang imbentaryo ng panlaang butil, at tuloy matulungan ang mga magtatanim ng palay sa Lalawigan ng Laguna, ang National Food Authority-Laguna Provincial Office sa pamamahala ni Provincial Manager Ramoncito H. Padilla ay naglunsad ng isang malawakang palatuntunan ng pamimili ng bagong anong palay tuwirang mula sa mga magtatanim   simula noong nakaraang Buwan ng Oktubre, na ipagpapatuloy hanggang sa Buwan ng Disyembre   sa halagang P17 bawa’t kilo na may insentibong P0.70 bawat kilo para sa paghahatid ng inaning palay sa buying station, pagtutuyo o pagbibilad upang ito ay magkaroon ng moisture content na hindi tataas sa 14 porsyento, at Cooperative Development Incentive Fee (CDIF).      Iniulat ni Padilla na noong nakaraang Buwan ng Oktubre, ang kanilang tanggapan ay nakapamili ng umabot sa 12,359 sako ng palay mula sa mga local farmers. Dati, ang NFA-Laguna ay hindi namimila sa mga magtat...

Mga LCR Offices Sa CALABARZON Pinarangalan

  Ilan sa opisina ng Lokal na Tanggapan ng Tagatalang Sibil o Local Civil Registry Offices (LCROs) sa Rehiyon IV-A (CALABARZON) ang pinarangalan ng Pambansang Tanggapan ng Estadistika o National Statistics Office (NSO) dahil sa maayos at natatanging serbisyo sa kanilang nasasakupan sa larangan ng pagtatalang sibil.   Ayon kay Regional Director Rosalinda P. Bautista, mula sa extra large category, ang LCRO ng Batangas City ay nagkamit ng ikalawang karangalan.   Ang lungsod ng Las Piñas ang nakakuha ng unang karangalan sa kategoryang ito.     Dalawa pang siyudad sa rehiyon, ang Antipolo City at Trece Martires City ay kasama rin sa Top 10 sa kategoryang ito na nakuha ang ikatlo at ika-siyam na puwesto.      Sa large category , nanguna sa rehiyon ang General Mariano Alvarez (GMA) ng Cavite na nakamit ang ika-limang puwesto.    Ang bayan ng Candelaria sa Quezon at Silang sa Cavite ang nakakuha ng ika-pito at ika-sampung puwes...

IGLESIA NI CRISTO, NAGPAPASALAMAT

Ang pangangasiwa ng Iglesia Ni Cristo sa Lokal ng San Pablo City, ay nagpapaabot ng pasasalamat at pagpapahalaga sa lahat ng mga nagsipagpaunlak na tumugon sa paanyayang daluhan ang Pamamahayag ng mga Salita ng Dios na isinagawa noong nakaraang mga Araw ng Biyernes at Sabado, Oktubre 29 at 30, 2010, sa kabila ng katotohanan na noong unang gabi ay masungit ang umiiral na kalalagayan ng panahon, at malakas at patuloy ang pagpatak ng ulan.      Ang mga nagnanais na patuloy na makapagsuri sa mga doktrinang sinasampalatayanan ng mga kaanib ng Iglesia Ni Cristo, ay pinapayuhang sila ay magtungo sa pinakamalapit na gusaling sambahan sa kanilang tahanan, at doon ay may mga ministro na handang tumugon sa ano man nilang mga magiging katanungan.      Dito sa sakop ng Lunsod ng San Pablo, bukod sa Lokal ng San Pablo City na ang gusaling sambahan ay nasa Barangay IV-B, ay may mga lokal ang Iglesia Ni   Cristo sa Barangay Atisan, Barangay Santa Maria, ...

‘Kung walang corrupt, walang mahirap?

WE have two e-mails about government offices. The writers ask to remain anonymous for fear of losing their jobs. The first is from the Government Service Insurance system (GSIS) who reports: "We at GSIS are one in saying that ex-PGM Winston Garcia’s 9+ year’s term at GSIS was corrupt, dictatorial and highly politicized. To be fair, however, he left behind as of June 2010, a reserve of P541 billion plus an unassigned surplus of P38 billion (both unaudited). In the first 4 months of 2010, GSIS registered a 10% growth in net income or about P18.5 billion. "That being said, it was a welcome relief that Garcia was replaced by new PGM Robert G. Vergara whose resume and reputation are quite impressive. We at GSIS had every reason to be hopeful that we would be led by a professional manager. "However, barely on his first month here at GSIS, the bubble immediately burst. Here are the facts: The new PGM arrives at his office at 7 a.m. or earlie...

Kumolekta ng transpo allowance, government official sinuspinde ng Ombudsman

MANILA,  Philippines  - Binalaan ng tanggapan ng Ombudsman ang matataas na opisyal ng pamahalaan hinggil sa pagkuha ng transportation allowance. Ito’y makaraang suspendihin ng Ombudsman si Teresita Rivera, Division Manager C-Commercial ng San Pablo Water District sa San Pablo City, Laguna dahil sa pagkuha nito ng transportation allowance para sa buwan ng Nobyembre hanggang Disyembre 2008 kahit naisyuhan na ito ng sasakyan na 2006 Toyota Hilux na naka-assign sa kanya. Sinabi ni Deputy Ombudsman for Luzon Mark E. Jalandoni, si Rivera ay lumabag sa COA Circular No. 75-6 ng Nov. 7,1975 na nagbabawal sa sinumang opisyal ng gobyerno na humingi pa ng transportation allowance gayung mayroon nang naisyu ritong sasakyan. Hindi naman pinaniwalaan ng Ombudsman ang argumento ni Rivera na ang sasakyan ay hindi naka-assign sa kanya kundi kay Renato Pullo at walang naipapagamit sa kanyang sasakyan ang pamahalaan kayat nakolekta siya ng transportation allowance. Sa imbestigasyon ng Ombu...