Skip to main content

Posts

Showing posts from December 23, 2007

SAGING SA KANIYUGAN PARA SA KAUNLARAN

Nabatid sa isang ulat mula sa Samal City sa Davao Oriental na ang pagtatanim ng saging sa mga pataniman ng niyog ay makatutulong sa pagsugpo sa paninira ng brontispa longossima, ang maliliit na insektong may uring salagubang na lumalaganap na peste sa niyog, dahil sa ang earwig, isang ring uri ng insekto na kumakain ng brontispa, ay mabilis dumami at nabubuhay sa mga puno ng saging. Sang-ayon kay Pangulong Danilo Coronacion ng Coconut Industry Investment Fund – Oil Mills Group (CIIF-OMG), inilunsad sa Island Garden City of Samal (IGACOS) ang “Palatuntunang Kasagingan sa Kaniyugan”, isang banana- coconut intercropping project, sa pagtutulungan ng Department of Agriculture-High Value Commercial Crops Program (DA-HVCC) at ng Local Government Unit of IGACOS. Dito sa Laguna, ang Philippine Coconut Authority (PCA) ay may katulad na palatuntunan o intercropping program, lamang ay iba’t ibang halaman ang iminumunkahing itanim ayon kay Provincial Coconut Development Manager Lani...

PAGAMUTANG PANLALAWIGAN, NAGHAHANDA SA BAGONG TAON

SAN PABLO CITY - Gaya sa mga nakaraang taon, ang Pagamutang Panlalawigan ng Laguna (PPL) sa lunsod na ito sa pamamatnugot ni Dr. Jose F. Guia ay magpapatupad ng isang sistema ng pagkakaloob ng tulong sa mga maaari ay magiging biktima ng pagsabog ng rebentador at iba pang uri ng paputok, at tama ng bala ng baril, ang karaniwang dulot na kasakunaan ng tradisyonal na pagsasaya para salubungin ang pagsapit ng bagong taon Marami rin sa nakalipas na mga pagsalubong sa bagong taon ang nagiging biktima ng aksidente sa sasakyan dahil sa marami ang nagmamaneho ng nakainum ng alak. Ang itinatag na grupo ay isang multi-disciplinary team sa pamumunuan ng isang siruhano at may kasangguning psychologist dahil sa may mga naging karanasan sa mga pagamutan ng pamahalan sa ibang rehiyon na bagama’t ang biktimang inihahatid sa ospital ay sinasabing biktima ng paputok, ay napatutunayan na ang kapansanan ay bunga ng alitan, at dahil sa pagtatangka sa sariling buhay ng biktima, pag-uulat ni Dr. Gu...

MGA PANANAGUTAN NG BARANGAY SECRETARY

SAN PABLO CITY – Nagpapaalaala si ABC President Gener B. Amante sa lahat ng mga kalihim ng barangay sa lunsod na ito na kanilang alalahanin ang itinatagubilin sa Seksyon 394 ng Local Government Code of 1991 o Batas Republika Bilang 7160 na sila ay may pananagutang maghanda ng maayos na talaan ng lahat ng kasapi ng barangay assembly, na ang nabanggit na talaan ay dapat may mga siping nakapaskel sa ilang hayag na lugar sa barangay; at kinakailangang maghanda at mag-ingat ng maayos na record ng lahat ng resident eng barangay na nalagay ang sumusunod na impormasyon: pangalan, tirahan, dako at petsa ng kapanganakan, kasarian, kalalagayan sa buhay, pagkamamamayan, gawain o hanapbuhay, at iba pang datus na makatutulong sa ganap na ikakikilala sa isang residente. Ang barangay secretary ay dapat ding may maayos na pakikipag-ugnayan sa Local Civil Registrar para sa pagpapatala ng mga ipinanganganak, namamatay, at nag-aasawa sa barangay. Lubhang mahalaga ang mga record na ito ayon ka...