Skip to main content

PAGAMUTANG PANLALAWIGAN, NAGHAHANDA SA BAGONG TAON

SAN PABLO CITY - Gaya sa mga nakaraang taon, ang Pagamutang Panlalawigan ng Laguna (PPL) sa lunsod na ito sa pamamatnugot ni Dr. Jose F. Guia ay magpapatupad ng isang sistema ng pagkakaloob ng tulong sa mga maaari ay magiging biktima ng pagsabog ng rebentador at iba pang uri ng paputok, at tama ng bala ng baril, ang karaniwang dulot na kasakunaan ng tradisyonal na pagsasaya para salubungin ang pagsapit ng bagong taon Marami rin sa nakalipas na mga pagsalubong sa bagong taon ang nagiging biktima ng aksidente sa sasakyan dahil sa marami ang nagmamaneho ng nakainum ng alak.

Ang itinatag na grupo ay isang multi-disciplinary team sa pamumunuan ng isang siruhano at may kasangguning psychologist dahil sa may mga naging karanasan sa mga pagamutan ng pamahalan sa ibang rehiyon na bagama’t ang biktimang inihahatid sa ospital ay sinasabing biktima ng paputok, ay napatutunayan na ang kapansanan ay bunga ng alitan, at dahil sa pagtatangka sa sariling buhay ng biktima, pag-uulat ni Dr. Guia. Ito ay magsisimulang gumanap bilang special team simula sa tanghaling tapat ng Lunes, Disyembre 31, hanggang sa umaga ng Martes o Enero 1, 2008.

Gayon pa man, naniniwala si Chief of Hospital Jose Guia na hindi na magiging marami ang magiging biktima kung ihahambing sa naaabot na bilang ng biktima apat o limang taon na ang nakalilipas, kung saan batay sa ulat ng pagamutan ay maraming kinakailangang putulan ng kamay dahil sa natatamong malubhang kasiraan nito. Marami rin noon ang nagtatamo ng gunshot wound na sanhi ng pumapatak na bala na hindi na naman matunton kung sino ang nagpaputok. Ito ay dahil sa mga patuluyang kampanya na isinasagawa ng Department of Health, ng Department of the Interior and Local Government, at maging ng mga yunit ng pamahalaang lokal.

Makatutulong din upang mabawasan ang bilang ng nagpapaputok ang mataas na halaga ng paputok sa pamilihan, dahil sa umiiral na kahirapan sa pamumuhay na nadarama ng mga karaniwang mamamayan. (Ben Taningco)

Comments

Popular posts from this blog

DOÑA LEONILA (MINI-FOREST) PARK

What is now known as Doña Leonila (Mini-Forest) Park overlooking the Sampaloc Lake is actually a portion of the site for the City Hall Complex purchased in 1937 by the Municipal Government of San Pablo headed by President Inocencio Barleta, which was partly developed after the termination of World War II under the administration of appointed City Mayor, Dr. Fernando A. Bautista. During the incumbency of elected Mayor Lauro D. Dizon Sr., with the help of the Rotary Club of San Pablo, and under the supervision of Dr. Juan B. Hernandez, then club secretary of the local Rotary Club and Chairman of the City Beautification Committee, constructed some park structures at the park, with the fountain featuring the country lass with agriculture harvest as centerpiece. Probably, Hernandez and then City Engineer Perfecto Reyes were inspired by the figures affixed on the façade of the City Hall Building which symbolizes progress. Sometimes on April of 1961 when then President Carlos Garcia made a...

FELICISIMO T. SAN LUIS, ANG ALAMAT NG LAGUNA

Si Abogado Felicisimo Tobias San Luis, na isinilang noong Hunyo 23, 1919, at lumaki sa Bayan ng Santa Cruz, ay nanungkulang Punonglalawigan ng Laguna simula noong Disyembre 30, 1955 hanggang sa siya ay papagpamahingahin noong Disyembre 18, 1992, o siya ay tuloy-tuloy na nanungkulan sa loob ng 36 taon, 11 buwan, at 18 araw, na kinikilala ng kasaysayan na siya ang natatanging lider na nanungkulan bilang punong tagapagpaganap ng isang lalawigan sa Pilipinas sa ganoong kahabang panahon.      Isang mabuting mananalumpati, nang ibaba ni Pangulong Ferdinand E. Marcos ang Martial Law o ng ipatupad ang Presidential Proclamation No. 1081 noong 1972, sila ni Alkalde Cesar P. Dizon ng Lunsod ng San Pablo noon, ang inatasan ng Pangulo ng Bansa na maglibot sa mga lalawigan ng bansa upang ipaunawa sa mga pinunong lokal   ang kahulugan ng Martial Law bilang isang proseso upang maitatag ang Bagong Lipunan na inaasahang magbibigay-daan upang makamit ang pambansang kaunlarang pa...

BARBARA JEAN APOSTOL A San Pableña
Passed the BAR Examination in the State of New York, U. S. A.

Miss Philippines-USA 2004-2005, Barbara Jean Chumacera Apostol, 27, passed the New York State’s examination for admission to the BAR given on July 24-25, 2007 . She attained her law degree at Hofstra University School of Law in the State of New York where she graduated with honors last May 20, 2007 . At Hofstra Law School , Barbara was the Vice President of the Asian Pacific American Law Students Association and was appointed to the position of Diversity Affairs Coordinator by the president of the Student Bar Association. Ms. Apostol was a 2002 cum luade graduate of Boston College, one of the oldest Jesuit University in the United States with campus in Chestbut Hill, Massachusetts, where she majored in pre-law and communication studies. Incidentally, she completed her elementary and secondary education at Sachem High School in Lake Ronkonkoma, NY. Barbara Jean is a daughter of Antonio Apostol and former Abecinia “Baisy” Chumacera of Barangay San Francisco, San Pablo Ci...