Bilang bahagi ng pagdiriwang ng National Statistics Month ngayong Oktubre 2010 na idiniklara ng dating pangulong Corazon C. Aquino sa pamamagitan ng Proclamation No. 647, idaraos ng NSO-Laguna ang Philippine Statistics Quiz (PSQ)-Provincial Elimination. Kaugnay rin nito ang pagdiriwang ng World Statistics Day sa ika-20 ng Oktubre 2010. Ang PSQ ay taunang patimpalak ng NSO at ng Philippine Statistical Association upang masubok ang kaalaman sa estadistika ng mga mag-aaral na nasa unang taon ng kolehiyo. Ito ay sinikap ng mga tagapagtaguyod ng PSQ upang makaambag sa pagpapaunlad ng manggagawa sa siyensa at teknolohiya sa pamamagitan ng pagtuklas at pangangalaga sa mga may talento sa larangan ng estadistika. Ang resulta ng patimpalak na ito ay magpapatunay kung gaano ka-epektibo ang pagtuturo ng estadistika bilang bahagi ng matematika sa high school. Ang patimpalak na ito ay isinusulong din ng Commission on Higher Education (CHED). Ang PSQ-Provincial Elimination ay bukas sa lahat ng mga...