Skip to main content

Posts

Showing posts from March 27, 2011

Pinagpalang bayan ng Pagsanjan, nag-number one sa Real Property Tax Collection

Nag-number one ang pinagpalang bayan ng Pagsanjan Laguna sa RPT Performance o Real Property Tax Collection Performance para sa Calendar Year 2010. Ito ang napag-alaman mula sa ipinalabas na report mg Bureau of Local Government Finance Regional Office Region IV-A Calamba City. Sa dalawampu't anim na munisipalidad, nanguna ang Pagsanjan makaraang makuha ang 129.53 percent o katumbas ng Actual Tax Collection na 9,925,020.78 pesos, higit pa sa regional target na 7,662,436.20 pesos para sa taong 2010. Pumangalawa sa RPT Performance ang munisipalidad ng Paete at pumangatlo ang munisipalidad ng Alaminos. Makikita sa larawan si Governor Jeorge E.R. Ejercito Estregan, Laguna Provincial Treasurer Evelyn De Guzman at mga Municipal Treasurer na sina Miss Minerva L. Boongaling ng Pagsanjan, Mrs. Menchie P. Espaňola ng Paete at Mrs. SofiaV. Cumpio ng bayan ng Alaminos na nagsitanggap ng Plake ng Karangalan mula sa Gobernador. (PIO Vic A. Pambuan)

Municipal Treasurer Sofia U. Cumpio, Pinuri ni Gob. ER

     ALAMINOS, Laguna – Sa flag ceremony noong nakaraang Lunes ng umaga ay buong kagalakang ibinalita ni Mayor Eladio M. Magampon na si Municipal Treasurer Sofia U. Cumpio ay isa sa tatlong municipal treasurer na pinahalagahan nina Gobernador Jeorge “ER” Ejercito Estregan at Provincial Treasurer Evelyn de Guzman sa flag ceremony sa Provincial Capitol noong sinundang Lunes dahil sa nalampasan ng kanilang tanggapan ang target collection para sa Taong 2010 na itinakda ng Bureau of Local Government Finance (BLGF).      Ang Bayan ng Pagsanjan ang nanguna, pangalawa ang Paete, at pangatlo ang Alaminos, 26 na lahat ang munisipyo dito sa Laguna, at hindi kasama sa pinahalagahan ang mga Lunsod ng San Pablo, Calamba, Santa Rosa at Biñan.      Pinasalamatan ni Mayor Magampon ang ginagawang pagkilala at pagpapahalaga ni Gobernador ER sa mga municipal official na nakakapagpakita ng tunay na malasakit na matugunan ang mga itinak...

IBABALIK SA GRANDIOSONG KALALAGAYAN

Nabatid mula kay Chief of Staff Carlos F. Dolendo ng Tanggapan ng Punonglalawigan ng Laguna na nakatakdang isaayos o gawaan ng restoration work ang Old Provincial Capitol Building upang maibalik sa dating grandiosong kaayusan nito na nakilala noong bago sumiklab ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig bilang pinakamaayos na Tanggapan ng Punonglalawigan sa kapuluan. Ang restoration work ay bahagi ng isang kompletong palatuntunang pangkaunlaran sa pagyayaman sa sining at kultura ng Laguna ni Gobernador Jeorge “ER” Ejercito Estregan. (“ Ruben E. Taningco )

PARA MAKAIWAS SA SIKSIKAN

Ang Revenue District No. 55 na naka-base dito sa San Pablo City ay may patuluyang palatuntunan ng pagpapaalaala sa lahat na maagang maglahad ng kanilang Income Tax Return, at huwag ng hintayin pa ang huling araw ng pagpa-file nito sa Abril 15, 2011 upang makaiwas sa pagsisiksikan, na kung mababalam pa ay pagmumulta. Ang mga Accredited Collection Bank dito ay ang mga sumusunod: Land Bank of the Philippines (LBP), Philippine Veterans Bank (PVB), Security Bank and Trust Company (SBTC), Philippine National Bank (PNB), Bank of the Philippine Islands (BPI), Philippine Bank of Communication (PBCom), Rizal Commercial Banking Corporation (RCBC), Metropolitan Bank and Trust Company (MBTC), at United Coconut Planters Bank (UCPB).   ( Ruben E. Taningco )

Buhay-Ilang, Dapat Pinangangalagaan – De Roma

     SAN PABLO CITY – Pag-alinsunod sa itinatagubilin ng Batas Republika Bilang 9147, na lalong kilala sa pamagat na “"Wildlife Resources Conservation and Protection Act." na pinagtibay ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo noong Hulyo 30, 2001 ay nagpapaalaala si City Environment and Natural Resources Officer Ramon R. de Roma na ang lahat ng   mga nagsisipanghuli, magsisipag-alaga at nangangalakal ng mga buhay-ilang o wildlife ay dapat na may nasusulat na kapahintulutan mula sa Protected Areas and Wildlife Bureau (PAWB) na isang ahensya sa ilalim ng Department of Environment and Natural Resources (DENR).      Maging ang mga kolektor ng natatanging ibon at hayop ay kinakailangang may kapahintulutan o permit, at bago sila pagkalooban ng nabanggit na kasulatan ay kinakailangang patunayan nilang sila ay may kakayanang matustusan ang pangangailangan ng inaalagaang hayop, tulad ng pagkain at pagsasaayos na tahanan nito.    ...

BAYARAN ANG BUWIS SA MEJORAS NA WALANG MULTA

ALAMINOS, Laguna –   Sa nakaraang buwanang pulong ng mga barangay treasurer sa bayang ito, ay nabigyan ng pagkakataon si Revenue Collection Clerk Malic D. de Mesa, hepe ng Land Tax Unit ng Office of the Municipal Treasurer’s dito, na mahiling ang tulong ng mga pinunong barangay na mapaalalahanan ang lahat ng mga propetaryo o nangangasiwa ng mga pag-aaring hindi natitinag o real estate properties na ang kanilang taunang bayaring buwis ay dapat bayaran sa o bago ang Marso 31, 2011, sapagka’t pagkalipas ng araw na ito ay lalapatan na ng multang katumbas ng 2% kada buwan.      Makabubuting bayarang maaga ang buwis sa lupa para makaiwas na magbayad ng multa.      Ayon kay de Mesa, ang mga nagmamay-ari ng malalaking mejoras, tulad ng mga poultry houses, ay maaaring makipag-ugnayan sa Land Tax Unit ng Office of the Municipal Treasurer’s Office na pinangangasiwaan ni de Mesa bago sumapit ang Marso 31, 2011 para magawang ang pagbabayad ay hulug...