Skip to main content

Posts

Showing posts from February 28, 2010

CONGRESSWOMAN IVY ARAGO, GRAND SLAM AWARDEE BILANG OUTSTANDING CONGRESSMAN

     SAN PABLO CITY - Naka-grand slam si Laguna 3 rd District Congresswoman Maria Evita Arago nang muling mapili ng Congress Magazine bilang isa sa mga Outstanding Congressmen sa taong 2009.      Magugunitang nagwagi si Arago ng kaparehong pagkilala noong unang taon niya sa Mababang Kapulungan noong 2007, naulit noong 2008 at 2009 dahil sa extra-ordinary performance sa Kongreso kung saan siya naging aktibo sa mga committee hearing at mismong sa plenaryo ng Lower House.     Nakapagtala ang mambabatas ng near perfect attendance na pinahalagahan ng house leadership at nakapagsulong ng humigit kumulang sa 80 panukalang batas kung saan 15 sa mga ito ay personal niyang iniakda at matagumpay na naidepensa sa floor debates.     Pinakahuli na napagtibay ng bicameral committee ay ang House Bill No. 1387 na nagtatadhana ng pagtatatag ng Office for Person with Disability Affairs (PDAO) sa bawat bayan, lunsod at lalawigan...

TEAM "AA", GAGABAY TUNGO SA KAUNLARAN

Alaminos, Laguna - Naninindigan ang maraming lider barangay sa bayang ito na ang Tambalang Ruben D. Alvarez at Benito D. Avenido, na karaniwang tinatawag na “Team AA”, kung mahahalal na lahat o kung sila ang makakakuha ng mayorya sa sangguniang bayan ay may katiyakang magagabayan nila ang mga mamamayan tungo sa isang maunlad na pamumuhay. Si kasalukuyang Vice-Mayor Ruben D. Alvarez, na naghain ng kandidatura sa pagka-Alkalde, ay nagsimula sa paglilingkuran bilang isang pinunong barangay, na naging daan upang siya ay higit na makilala na naging daan upang tatlong ulit na mahalal bilang Number One Councilor, at pagkatapos ng kanyang three-term ay mapaluklokl na Pangalawang Punong Bayan dito. Kaya nasa kanya ang sapat na katangian at karanasan upang maging punong tagapagpaganap ng bayang ito na mayroon ng populasyong mahigit sa 40,000. Samantala si Konsehal Benito D. Avenido ay dating officer ng Rural Bank of Alaminos, kaya siya ay nagkaroon ng malawak na kabatiran at unawa sa micro...

COMELEC RULES IPINALIWANAG NG CITY ELECTION OFFICER

Si OIC Patrick Arbilo samantalang ipinaliliwanag ang mga tadhana ng mga batas panghalalan Si OIC Patrick Arbilo samantalang ipinaliliwanag ang mga tadhana ng mga batas panghalalan Pinulong ni Officer-in-Charge Patrick H. Arbilo ng City Election Office ang mga punong barangay ng lunsod, kasama ang hepe ng kanilang barangay tanod, noong Biyernes ng hapon sa PAMANA Hall sa City Hall upang ipaunawa ang mga itinatagubilin ng Resolution No. 8758, upang ganap na maipatupad ang mga iniuutos ng Republic Act No. 9006, na lalong kilala bilang “Fair Election Practices Act “ kaugnay ng nalalapit na halalan sa Mayo 10, 2010.      Ang campaign period para sa mga posisyong panglokal ay magsisimula na sa Marso 26, araw ng Biyernes.      Dumalo rin ang mga kinatawan ng Department of the Interior and Local Government, ng Philippine National Police, at ng Armed Forces of the Philippines. Dumalo rin ang ilang kinatawan ng Seven Lakes Press Corps bilan...