Isa na namang estudyante mula sa lalawigan ng Batangas ang kakatawan sa Katimugang Tagalog sa Philippine Statistics Quiz (PSQ) na taunang isinasagawa ng National Statistics Office (NSO) sa tulong ng Philippine Statistical Association (PSA). Si Justin Angelo P. Alvarez, estudyante sa Engineering ng University of Batangas ang siyang nanalo sa ginanap na PSQ Regional Elimination noong nakaraang Nobyembre 13 sa CAP Development Center sa Lipa City. Tinalo ni Justin ang dalawampu’t tatlo pang kalahok sa nasabing paligsahan mula sa iba’t-ibang unibersidad na sakop ng rehiyon. Ang PSQ ay taunang paligsahan sa larangan ng Estadistika na unang isinagawa noong 1992. Ito ay isang hakbang para malaman ng madla ang halaga ng estadistika sa ating buhay. Sinasalihan ito ng mga mag-aaral sa unang taon ng kolehiyo na nakapagtapos ng sekondarya ng nakaraang Marso (o Abril). Ngayong taong ito, umabot sa 121 na estudyante mula sa 50 eskwelahan ng rehiyon ang sumali sa PSQ. Mula dito, da...