SAN PABLO CITY – Sa pamamagitan ng 58 boto na ipinagkatiwala sa kanya, si first term Punong Barangay Gener B. Amante ng Barangay San Jose ay napagwagian ang pagiging Panguo ng Liga ng mga Barangay sa Lunsod ng San Pablo sa halalang ginanap sa Rizal Hall ng San Pablo City Central School ng noong Martes ng umaga, Disyembre 11, 2007 ng naaayon sa alituntuning itinatakda ng Local Government Code of 1991 o Batas Republika Bilang 7160.. Sa isang paalaalalang pagpapayo o advisory na pinalabas ni Local Government Secretary Ronaldo Puno ay kanyang ipinaunawang ang panunungkulan ng lahat ng Pangulo ng Liga ng mga Barangay, at Tagapangulo ng Pederasyon ng Sangguniang Kabataan na nahalal noong 2002 ay natapos na noong Oktubre 31, 2007 matapos maganap ang October 29, 2007 Synchronized Barangay and Sangguniang Kabataan Elections, kaya tulad ni Del Remedio SK Chairman Kristine Ann A. Picazo na nauna nang halal na Pangulo ng Pederasyon ng Sangguniang Kabataan sa Lunsod ng San Pablo, si San Jose Puno...