LIPA CITY - Pinaaalalahanan ang lahat na ang National Statistics Office ay magsasagawa ng population census sa darating na buwan ng Agosto sa buong bansa na ang magiging batayan ng kukuning datus ay ang kalalagayan ng sambahayan sa araw ng Miyerkoles, Agosto 1, 2007 , sang-ayon sa pahayag ni NSO-Region IV-A Director Rosalinda P. Bautista nang makapanayam ng ilang kinatawan ng local mass media sa kanyang tanggapan dito. Ang magiging katanungan ng mga enumerator o census taker ay ang bilang at pangalan ng mga naninirahan sa bansa, at maging ng mga dayuhang inaasahang titigil sa bansa sa loob ng isang taon o mahigit pa, at ang mga pangunahing impormasyong kukunin ay ang gulang, kasarian, kalalagayan sa buhay, edukasyon o pinag-aralan, at iba pang kalalagayan kinakailangan sa pag-aaral sa suliranin ng populasyon. Ipinapapansin ni Director Rosalinda P. Bautista na ang Census Day for Population Census 2007 ay Agosto 1, 2007 , kaya kung ang isang ama ng tahanan ay matatanong o makukuna...