Sa state-of-the-city address na binigkas ni Alkalde Vicente B. Amante noong Lunes ng umaga, sa flag ceremony sa City Hall bilang pormal na pag-uulat sa tunay na kalalagaylan ng Lunsod ng San Pablo matapos ang unang taon ng kanyang ika-limang termino bilang punonglunsod, ay ipinaaabot niya ang mataas na pagpapahalaga at pasasalamat sa Sangguniang Panglunsod sa pangunguna ni Vice Mayor Frederick Martin A. Ilagan bilang pagtanggap sa katotohanang ang lahat ng hiniling niyang pagtibaying kautusang lunsod ay napagtitibay, na ang tuwiran namang nakikinabang dito ay ang nakararami sa mamamayan ng lunsod, na dito ay kasama na ang mga kawani ng pangasiwaang lunsod na simula sa Buwan ng Hulyo ay pinagkalooban ng taas ng sahod na katumbas ng 10 porsyento ng kanilang taunang kita, at ang pagpapatibay sa paglalaan ng sapat na pondo upang maipatupad ang mga palatuntunang pangkalusugan at panglipunan na ang tuwirang makikinabang ay ang mga mahihirap na kagawad ng lipunang lunsod.l ...