SAN PABLO CITY – Sa isang memorandum na may petsang Hulyo 2, 2010, na ipinaabot sa lahat ng mga local government operations officer sa Lalawigan ng Laguna, ipinarating ni Provincial Director Teodorica G. Vizcarra ang guidelines para sa pagkakaloob ng pagsasanay sa mga bagong halal na pinunong bayan, mula sa punumbayan, pangalawang punumbayan, at mga kagawad ng sanggunian. Binigyan ng paksang, “Knowing My Local Government Unit,” layunin ng pagsasanay ayon kay Director Vizcarra na ang mga newly elected officials ay mabigyan ng sapat na kamalayan sa operasyon ng yunit ng pamahalaan lokal na kanilang pangangasiwaan, tulad ng mga pangunahing alituntunin at regulasyon na dapat nilang kabisahin, ang kalalagayan pisikal ng lokalidad, at ang kalalagayan sa pananalapi ng pangasiwaang lokal. Ang pagsasanay ay “Orientation seminar on local governance based on the Local Governance Performance Management System (LGPMS)” ayon sa isang regional...