Skip to main content

Rural Bank of Seven Lakes help Library Hub

     SAN PABLO CITY -  Si Bb. Rosario M. Robielos, General Education Supervisor (for English), bilang tagapangasiwa ng DepEd Library Hub sa lunsod na ito, ay nagpapahalaga sa pangasiwaan ng Rural Bank of Seven Lakes (San Pablo City), Inc. sa paghahandog nito ng limang (5) yunit ng industrial fan o malalaking bentilador para sa kaluwagan ng mga batang dumadalaw rito para masanay sa pagbabasa.
      Ang Library Hub-San Pablo City ay isang proyektong magkatuwang na itinaguyod ng Department of Education, at ng Pangasiwaang Lunsod ng San Pablo sa layuning ang lahat ng mga mag-aral sa paaralang elementarya at sekondarya ng pinakikilos ng pamahalaan ay magkaroon ng pagkakataon na makabasa ng tama at angkop na aklat batay sa kanilang gulang at antas ng pag-aaral.
     Napag-alamang ang Library Hub-San Pablo City ay  kinilala sa nakaraang kombensyon ng mga DepEd Library Hub Supervisors na “2009 Most Functional Library Hub,” at  “2009 Second Best in Networking (National Level)” na isang karangalan kung isasaalang-alang na mayroong 189 school division sa buong bansa.
     Magugunita na ang Lunsod ng San Pablo ay isa sa iilang yunit ng pamahalaang lokal na kaagad ay tumugon sa hamon ng Kagawaran ng Edukasyon na makipag-partner para para makapagtatag ng isang makabuluhang aklatan na sasanay sa mga batang nagsasakit na makapagtamo ng panimulang edukasyon na magkaroon ng kasanayan sa pagbasa. Sa pinagtibay na Memoradnum of Agreement sa pag-itan nina Dr. Ester C. Lozada, ang City Schools Division Superintendent noon, bilang kinatawan ni Education Secretary Jesli Lapuz,  at Mayor Vicente B. Amante, pananagutan ng pangasiwaang lokal ang pagpapatayo ng impraistraktura o ng gusali para sa aklatan, at ang Kagawaran ng Edukasyon ang mananagutan sa ilalagay na imbentaryo ng mga aklat para sa panimulang pag-aaral ng mga bata sa mga paaralang publiko.
     Ayon kay Education Secretary Lapuz noon, at Education Secretary Mona Valisno ngayon, ang Library Hub na kinikilalang depositoryo ng mga pangunahing aklat para ang mga bata ay masanay magbasa, na siyang magbibigay daan upang ang mga bata ay magkaroon ng hilig sa pagbabasa o maging mga book lover, ang isang library hub ay magtatagumpay kung ito ay tatanggap ng suporta mula sa pamayanang kinatatayuan nito. Ang mga paninindigang ito ang nag-udyok sa Judge Odilon I. Bautista na ang Rural Bank of Seven Lakes na kanyang pinakikilos ay maghandog ng mga bentilador sapagka’t personal niyang napansin na ito ang napapanahong pangangailangan ng aklatan.
    Magugunitang ang apat (4) na “adopted schools” ng Rural Bank of Seven Lakes sa ilalim ng “Adopt-A-School Program” ng Department of Education, ay pawang mga skills  books na ginagamit sa mga eklusibong paaralan ang kanilang ipinagkakaloob, bagama’t masasabing sa paghahambing, ang mga aklat na ito ay may kamahalan, sapagka’t naniniwala si Judge Odilon I. Bautista, na produkto ng isang Paaralang Jesuita, na,  “Kung imposible para sa lipunan na ang mga mayayaman at mahihirap ay kumain sa iisang hapag-kainan, hindi ito dapat mangyari sa larangan ng edukasyon, sapagka’t ang bawa’t bata ay Proyekto ng Dios na karapatdapat sa pantay na pagkakataon.”

     Magugunitang noong Taong 2003, sa isang pahayag ay nabanggit noon ni Senador Ralph Recto na isang pangangailangan na sa bawa’t dibisyon ng paaralan ay dapat na may isang mayamang aklatan, lamang, suliranin ng mga yunit na pamahalaan lokal, na sa pamantayan ng National Economic and Development Authority (NEDA), ang paglalaan ng pondo para sa pagpapatayo ng library structures ay wala sa prayoridad o hindi nakatala sa mga palatuntunang dapat kaagad ay paglaanan ng pondo o matustusan.
     Nabanggit din ni Recto noon, na kung magtatayo ng library sa isang lalawigan o lunsod, marapat na ito ay itayo sa karangalan ng mga nakilalang manunulat o alagad ng sining sa pamayanag pagtatayuan nito.
     Sa isang kaugnay na ulat, ipinabatid ni Gng. Eileen A. Roda, punong guro,  kay City Schools Division Superintendent Enric T. Sanchez na ang Rural Bank of Seven Lakes, sa tagubilin ng Lupon ng Patnugutan nito, ay maghahandog ng tulong na salapi sa pagsasaayos ng peripheral concrete fence ng San Gabriel Elementary School upang ganap na mapangalagaan ang kaayusan ng kampus ng paaralan laban sa mga paligaw o nakaliligaw na hayop at mga masasamang-loob. Ito ay nagbabadya na ang San Gabriel Elementary School ay magiging panglimang yunit ng paaralang elementarya na aampunin ng bangko. (Ruben E. Taningco)

Comments

Popular posts from this blog

DOÑA LEONILA (MINI-FOREST) PARK

What is now known as Doña Leonila (Mini-Forest) Park overlooking the Sampaloc Lake is actually a portion of the site for the City Hall Complex purchased in 1937 by the Municipal Government of San Pablo headed by President Inocencio Barleta, which was partly developed after the termination of World War II under the administration of appointed City Mayor, Dr. Fernando A. Bautista. During the incumbency of elected Mayor Lauro D. Dizon Sr., with the help of the Rotary Club of San Pablo, and under the supervision of Dr. Juan B. Hernandez, then club secretary of the local Rotary Club and Chairman of the City Beautification Committee, constructed some park structures at the park, with the fountain featuring the country lass with agriculture harvest as centerpiece. Probably, Hernandez and then City Engineer Perfecto Reyes were inspired by the figures affixed on the façade of the City Hall Building which symbolizes progress. Sometimes on April of 1961 when then President Carlos Garcia made a...

FELICISIMO T. SAN LUIS, ANG ALAMAT NG LAGUNA

Si Abogado Felicisimo Tobias San Luis, na isinilang noong Hunyo 23, 1919, at lumaki sa Bayan ng Santa Cruz, ay nanungkulang Punonglalawigan ng Laguna simula noong Disyembre 30, 1955 hanggang sa siya ay papagpamahingahin noong Disyembre 18, 1992, o siya ay tuloy-tuloy na nanungkulan sa loob ng 36 taon, 11 buwan, at 18 araw, na kinikilala ng kasaysayan na siya ang natatanging lider na nanungkulan bilang punong tagapagpaganap ng isang lalawigan sa Pilipinas sa ganoong kahabang panahon.      Isang mabuting mananalumpati, nang ibaba ni Pangulong Ferdinand E. Marcos ang Martial Law o ng ipatupad ang Presidential Proclamation No. 1081 noong 1972, sila ni Alkalde Cesar P. Dizon ng Lunsod ng San Pablo noon, ang inatasan ng Pangulo ng Bansa na maglibot sa mga lalawigan ng bansa upang ipaunawa sa mga pinunong lokal   ang kahulugan ng Martial Law bilang isang proseso upang maitatag ang Bagong Lipunan na inaasahang magbibigay-daan upang makamit ang pambansang kaunlarang pa...

BARBARA JEAN APOSTOL A San Pableña
Passed the BAR Examination in the State of New York, U. S. A.

Miss Philippines-USA 2004-2005, Barbara Jean Chumacera Apostol, 27, passed the New York State’s examination for admission to the BAR given on July 24-25, 2007 . She attained her law degree at Hofstra University School of Law in the State of New York where she graduated with honors last May 20, 2007 . At Hofstra Law School , Barbara was the Vice President of the Asian Pacific American Law Students Association and was appointed to the position of Diversity Affairs Coordinator by the president of the Student Bar Association. Ms. Apostol was a 2002 cum luade graduate of Boston College, one of the oldest Jesuit University in the United States with campus in Chestbut Hill, Massachusetts, where she majored in pre-law and communication studies. Incidentally, she completed her elementary and secondary education at Sachem High School in Lake Ronkonkoma, NY. Barbara Jean is a daughter of Antonio Apostol and former Abecinia “Baisy” Chumacera of Barangay San Francisco, San Pablo Ci...