Maaaring hindi napapansin ng mga mediamen na sumusubaybay sa mga gawain ng mga Kongresista sa Batasang Pambansa, ay isang makabuluhang panukala ang isinusulong ni Congresswoman Ma. Evita R. Arago (3rd District, Laguna) na kikilala at magkakaloob ng mga karapatan, kaluwagan, at kalayaan para makapagkaloob ng paglilingkod sa pamayanan sa mga barangay tanod sa buong bansa. Nakatala sa Congressional Records bilang House Bill No. 02665, ang panukalang batas ay nagtatakda ng pagbuo ng isang tunay na Organisasyong Pambansa ng lahat ng barangay tanod, at magkakaloob ng mga kaluwagan o benepisyo upang ang mga barangay tanod ay ganap na magampanan ang kanilang inakong tungkuling makatulong sa pangangalaga ng kapayapaan at kaayusan sa bawa’t barangay sa Pilipinas. Makabuluhan din ang House Bill No. 02662 na magkakaloob ng kapangyarihan at karapatan sa Pangasiwaang Lunsod ng San Pablo na mapangasiwaan ang Pitong (7) Lawa na ipinagkaloob ng kalikasan sa pamayanang ito. Magugunita...