SAN PABLO CITY - Para sa isang makabuluhan at epektibong pamamahala pinasimulan ng isang banal na misa ang unang araw ng paglilingkdo ng mga halal na opisyal ng lunsod. Ang misa na pinangasiwaan ni Msgr. Melchor Barcenas, Kura Paroko ng Parokya ni San Pablo, Unang Ermitanyo, na ginanap noong Hulyo 2, 2007 sa One-Stop Processing Center. Sinundan ito ng Palatuntunan ng Pagtataas ng Watawat. Hiniling ng lahat ng mga opisyales sa pangunguna nina Mayor Vicente B. Amante at Vice-Mayor Frederick Martin A. Ilagan, na bigyan sila ng pagkakataong maipagkaloob ang taus-pusong paglilingkod sa mamamayan. Nanawagan din ang bawat isa na kalimutan na ang pulitika, manapa’y magkaisa para sa kaunlaran at kagandahan ng lunsod. Isang maalab na pagtanggap naman ang tugon ng mga tao sa panawagan ng mga halal ng bayan, sa pangunguna ng mga hepe ng iba’t ibang tanggapan at ahensya ng pangasiwaang local, kasama ang mga sangay ng mga tanggapan ng pangasiwaang pambansa sa lunsod na ito. Ang inaugural ceremony a...