Ngayon ay bahagi na ng sagisag o logo ng Lunsod ng San Pablo, ang makasaysayang hagdang bato pababa sa Lawang Sampalok ay sinimulan ang konstruksyon noong Nobyembre ng 1915 sa isang loteng inihandog sa mga mamamayan ni Cabesang Sixto Bautista sa pangangasiwa ni Presidente Municipal Marcial Alimario.. Ito ay nahahati sa limang (5) seksyon at binubuo ng 89 baytang, at batay sa isang lapidang nakalagay sa dakong kalagitnaan ng istraktura, ito ay pinasinayaan noong Enero 23, 1916. Ang pangasiwaang municipal ng itayo hanggang sa mapasinayaan ang hagdang bato ay sina Marcial Alimario, presidente municipal; Isidoro Alvaran, bise presidente municipal; at Gregorio Laurel, Pedro Alcantara, Miguel de Rama, Macario Maghirang, Avelino de Guzman, Zacarias Sahagun, Ponciano Atienza, Esteban Cordez, Crispin Avanzado, Miguel Leonor, Feliciano Exconde, Francisco Sobreviñas, Marciano Brion, at Eusebio Diawatan, mga concejales. Servando Brion, kalihim ng munisipyo, Telesforo ...