Skip to main content

Posts

Showing posts from May 11, 2008

WALANG DAPAT BAYARAN SA ENROLMENT O PAGPAPALISTA

Sa pamamagitan ng mga streamer na naka-display sa iba’t ibang elementary school and high school units sa lunsod na nasa ilalim ng pangangasiwa ng Division of San Pablo City, nagpapaalaala si City Schools Superintendent Ester C. Lozada na ang lahat ng mga magpapatala sa Pre-School o Kindergarten, at sa Grade I to Grade IV na sila ay walang dapat bayarang kontribusyon mula sa pagpapatala at sa buong taong panuruan. Samantala, ang lahat ng mga nagsipagpatala sa Grade V at Grade VI sa elementarya, at sa First Year hanggang Fourth Year sa sekondarya, simula sa Buwan ng Hulyo, ay maaaring magbayad ng Boluntaryong Kontribusyon para sa membership sa Girl Scout, sa Boy Scout, sa Red Cross, sa Anti-TB, sa school publication, at sa student organization. Nabanggit ni Bb. Ester C. Lozada na ang batayan ng pinalabas niyang babala ay ang Department of Education Order No. 19, Series of 2008. ( RET )

Dahilan ng Tagumpay ng Family DOTS Laban sa TB

Iniulat ni Dra, Marivic L. Guia, ang nakatalagang tagapag-ugnay ng palatuntunan laban sa tuberkolusis sa lunsod, na ang isa sa susi ng tagumpay laban sa sakit na datirati ay siyang nagiging sanhi ng kamatayan ng marami ay ang mahigpit na pagpapatupad ng Directly Observed Therapy System (DOTS) sa lahat ng apektado ng karamdaman sa lahat ng barangay sa Lunsod ng San Pablo. Ang lahat ng health center sa lunsod ay malapit lamang kahit sa pinakaliblib na tahanan, kaya bukod sa pagsasadya sa klinika ng pamahalaan, ang mga tahanan ng mga kinapitan na ng sakit na tuberkolusis ay madaling nadadalaw ng mga barangay health workers na nakatutulong upang maging epektibo ang Family DOTS. Sapagka’t ang pag-inum ng gamot ay sa loob ng anim (6) na buwan, nabanggit ni Dra. Guia na ang mga kasambahay ng mga pasyenteng sumasailalim ng gamutan ay nagsisilbing mga tagapagpaalaala sa oras ng pag-inum ng gamot, Nabatid mula kay Dr. Guia na may mga pasyenteng nagsasabi...

NAMUMUKOD TANGING KAWANI, KINILALA NG JAYCEES

Ang mga awardees kasama ang pamunuan ng JCI San Pablo (mula sa kaliwa) Project Consultant JCI Member Richard C. Pavico, Chapter President Normandy I. Flores, Administrative Officer Narciso R. Capuno, Public Health Nurse Ma. Cecilia Tec-Encarnacion, Dr. Flerida P. Aquino-Layba, Supervising Administrative Officer Emilio I. Tirones, at Project Chairman Michael Perez. ( Nathan Aningalan ) Apat (4) na rank-and-file personnel ng Pangasiwaang Lunsod ng San Pablo ang kinilalang The Outstanding Government Employees (TOGE) para sa Taong 2008 sa search na taunang itinataguyod Junior Chamber International Philippines-San Pablo Seven Lakes na iniuugany sa paggunita ng ika-68 anibersaryo ng pagkakatatag ng Lunsod ng San Pablo noong Mayo 7, 2008. Sila ay pinagkalooban ng gawad ng pagkilala, medalyon ng karangalan, at gantimpalang cash sa isang palatuntunang ginanap sa One Stop Processing Center noong Lunes ng umaga, Mayo 12, 2008. na pinangasiwaan nina City Administrator Loreto S. ...

HYDROPONIC GARDENING, ITINURO SA MGA NAPIPIIT

Sa inisyatibo ni Chief Inspector Wilmor T. Plopinio, District Jail Warden, ang mga napipiit sa San Pablo City District Jail ay sumasailalim ng isang patuluyang palatuntunan upang ang mga napipiit ay mapagkalooban ng angkop na pagsasanay sa ikapagtatamo nila ng kamalayan sa mga gawaing makatutulong upang sa paglabas nila ay mayroon silang malinis na pagkakakitaan. Ito ay bahagi ng apat (4) pangunahing palatuntunan upang ang mga napipiit ay magabayang maging mabubuti at kapakipakinabang na mga mamamayan pagkalabas ng kulungan, ang Livelihood Projects, at ang Educational and Vocational Trainings. Ayon kay Plopinio, ang Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) ay isa sa limang-haligi ng Sistema ng Katarungan Para sa mga Kriminal o Criminal Justice System. Ang kanilang pangunahing pananagutan ay mapangalagaan ang kagalingan ng mga napipiit samantalang sumasailalim ng pagsisiyasat o mga pagdinig; naghihintay na mahatulan sa usaping kanilang kinasasangkutan; at y...

MAGPAGANDA, PERO HUWAG SA ORAS NG OPISINA

Bagama’t dapat na ang isang empleyada ay mag-ayos upang magikaroon ng tiwala sa sarili at maging kagalang-galang sa mga mamamayang kanilang pinaglilingkuran, nagpayo si City Administrator Loreto “Amben” S. Amante noong Lunes ng umaga na ang pagmi-make-up o personal grooming ay hindi dapat gawain sa oras ng opisina, at mismong sa kanilang mesa, sa halip ito ay gawain sa ladies room o bago pumasok sa kanilang tanggapan. Ayon kay Amben Amante, ang pag-aayos ng mukha sa mesa, lalo na kung matagal itong isinasagawa ay hindi magandang tanawin at nakakairita sa pananaw ng mga mamayang siyang nagbabayad sa sahod ng mga lingcod-bayan. ( RET )

MGA LIONS, NAGTATAYO NG GUSALING PAMPAARALAN

SAN PABLO CITY – Iniulat ni Club President Romulo M. Awayan sinisikap nilang ang itinatayong isang two-room school building para sa Sityo Baloc Annex ng Santo Niño Elementary School ng San Pablo City (Host) Lions Club ay matatapos o magagamit na sa bubuksang school year upang ipalit sa luma at yari sa mahihinang materyales na gusaling pinag-aaralan ng mga batang mula sa Grade One hanggang Grade Four, at pinangangasiwaan ng dalawang guromg sina Bb. Donnabel B. Perez at Liza L. Esturaz. Ang mga mag-aaral sa Sityo Baloc Annex ay pawamg mga anak ng mga scavenger o ng mga namumulot ng basura sa garbage dumpsite ng pangasiwaang lunsod, kaya ang paaralan ay nakatayo sa hindi kalayuan sa makabagong sanitary landfill kung saan mayroon ding material recovery facilities. May mga bata rin ditong anak ng mga magtatanim ng gulay na naging masigla sa kapaligiran ng dumpsite simula ng maging operational ang sanitary landfill at nawala na ang masamang amoy at mga kolonya ng l...