Para sa kagalingan, at kapanatagan ng may 12 libong mag-aaral at empleyado sa University of the Philippines at Los Baños (UPLB) ang Pangasiwaang Panglalawigan ng Laguna sa pamamagitan ni Gobernador Jeorge Ejercito Estregan ay nagkaloob ng 10 Units of Multicab sa Los Baños Municipal Police Station upang gamitin sa pangangalaga at pangangasiwa sa kapanatagan sa sakop ng university town. Ang mga bagong behikulo ay pormal na tinanggap ni UPLB Chancelor Rex Cruz ng ganapin ang simpleng turn-over ceremoniy sa harapan ng University Administration Building noong isang gabi na sinaksihan nina Laguna Police Provincial Director Gilbert Cruz (dulong kaliwa), Mayor Anthony “Ton” Genuino, at Police Regional Office No. 4 Chief of Staff Roland Santos. ( Kevin Pamatmat )