SAN PABLO CITY – Ngayong napagtibay na ang isang kautusang lunsod na sumusuporta sa Batas Republika Bilang 9482, na lalong kilala bilang “Anti-Rabies Act of 2007,” dapat asahan pagsapit ng Enero 1, 2009, ang lahat ng nagsisipag-alaga ng aso ay daoat na ito ay huwag hahayaang walang tanikala o tali at malayang makalilibot sa labas ng kanilang bakuran, Dapat ding ang lahat ng alagang aso ay nakarehistro sa pangasiwaang lokal, at taon-taong pinababakunahan. Na ang mga mararapatang lalabag dito ay mapaparusahan ng multang hindi bababa sa P2,000.
Kung isasama ang aso sa labas ng bakuran, ay kinakailangang ito ay may tali o tanikala, at ang lalabag ditto ay mapaparusahan ng multang P500 sa bawa’t pagkakataong siya ay mararapatang nagpapabayang paligaw ang alagang aso.
Magiging pananagutan din ng may-ari sa aso ang gugol sa pagpapagamot sa taong maikakagat ng kanilang aso, na ang mga maninindigang hindi sasagutan ang gugol ay malalapatan ng hukuman ng kaparusahang mul...