Nais ipabatid ni Provincial Statistics Officer Magdalena T. Serqueña, pinuno ng National Statistics Office ng Laguna na ang buwan ng Pebrero ay Buwan ng Pagtatalang Sibil o Civil Registration Month. Ito ay sang-ayon sa Proclamation No. 682 na nilagdaan ni dating Pangulong Corazon C. Aquino noong ika-19 ng Enero 1991 na ang buwan ng Pebrero ay ipagdiriwang bilang Civil Registration Month . Sa taong 2012 ang pagdiriwang ay may tema na “Tamang Rehistro, Pananagutan ng Bawat Pilipino”. Ayon sa Artikulo 7 ng Convention on the Rights of the Child na inilathala ng United Nations at niratipika ng Pilipinas noong July 1990, “ The child shall be registered immediately after birth and shall have the right from birth to a name and the right to acquire a nationality…” Kayat pananagutan ng mga magulang o sinuman ang nagpaanak sa bata na iparehistro agad ang kapanganakan nito sa tanggapan ng Local Civil Registrar sa lugar kung saang bayan ipinanganak ang bata. Subalit hindi lamang ang pagpap...